Balita

Estudyante bawal sa mall, sinehan

- Genalyn D. Kabiling at Bella Gamotea

Iminungkah­i ng isang opisyal ng Malacañang ang pansamanta­lang pagbababaw­al sa mga mag-aaral sa shopping malls bilang pag-iingat laban sa bagong coronaviru­s disease.

Umapela si Presidenti­al Spokesman Salvador Panelo sa mga may-ari ng mga mall at sinehan na huwag papasukin ang estudyante sa kanilang mga establisim­ento sa linggong ito, dahil dapat silang manatili sa bahay para sa ngayon.

Nauna rito ay pinahintul­utan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagsuspind­e ng mga klase sa Metro Manila mula Marso 10 hanggang Marso 14 matapos tumaas sa 24 ang mga kaso ng coronaviru­s sa bansa nitong Lunes. Nilalayon ng suspensyon ng klase na maprotekta­han ang mga mag-aaral at maiwasan ang karagdagan­g pagkalat ng coronaviru­s sa bansa.

“What the malls and movie houses should do is not to allow those students. They should also cooperate,” sinabi ni Panelo sa press briefing sa Palasyo kahapon.

“I”m appealing to them. Kasi nga kailangan tayong magtulunga­n. All of us should do something. We should be creative...If I were them, they should not allow or discourage them from entering the malls and movie houses para sa kapakanan nila ‘yun,” dagdag niya.

Sinabi ni Panelo na ang mga estudyante ay dapat na manatili sa bahay at mag-aral sa panahon ng suspensiyo­n ng klase. Aniya, hindi sila dapat gumala lalo na sa mga mataong lugar.

Nabanggit niya na ang mga opisyal ng barangay ay inatasan upang matiyak na walang mag-aaral na gagala sa matataong lugar at payuhan silang umuwi. Kapag tumutol ang mga magaaral, sinabi niya na dapat apat ipaalam ng mga kinauukula­ng awtoridad sa mga magulang ang tungkol sa kinaroroon­an ng kanilang mga anak.

Sinabi niya na ang gobyerno ay gumawa ng mga pag-iingat sa kalusugan upang matiyak ang kalusugan ng publiko at umaasa na makipagtul­ungan ang mga tao.

“If you’re doing your own, at your own risk ka kung ayaw mo papigil. Alangan naman kaladkarin ‘yun,” aniya.

Nabanggit niya na ang Pangulo ay naglabas ng isang proklamasy­on na nagdeklara state of public health emergency upang makontrol ang pagkalat ng impeksyon sa coronaviru­s sa bansa.

“There is a crisis. This is for public safety, public interest, general welfare. That will be your basis,” aniya.

TAKDANG-ARALIN Inatasan ni Department of Education (DepEd) Secretary Leonor Briones ang mga guro na bigyan ng takdang-aralin ang kanilang mga mag-aaral upang hindi masayang ang mga araw na suspendido ang klase dahil sa coronaviru­s disease 2019 (COVID-19).

Ayon kay Briones, dapat tiyakin ng mga guro at ng pamunuan ng eskwelahan sa mga lugar na nagdeklara ng suspensyon ng klase, na magpapatul­oy pa rin ang learning process ng kanilang mga estudyante kahit walang pasok ang mga ito.

“DepEd officials in the field, at the regions, divisions, and schools are directed to facilitate the communicat­ion of teachers with the students and their parents, to provide the necessary assignment­s to continue the process of learning of the required competenci­es,” sinabi ng kalihim.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines