Balita

Duterte sa Kaliwa Dam project: Pipilitin ko talaga ‘yan

- Genalyn D. Kabiling

May sapat na suplay ng tubig ang bansa habang pinapaigti­ng ng gobyerno ang mga pagsisikap na makontrol ang pagkalat ng coronaviru­s disease 2019 (COVID-19), idineklara ni Pangulong Duterte nitong Lunes.

Tiniyak ito ng Pangulo pagkatapos mangako na “fight all the way” para matuloy ang pagtatayo ng kontrobers­yal na Kaliwa dam upang lalo pang mapalakas ang suplay ng tubig.

“Meron ‘yan. 2020? Meron ‘yan sigurado ako,” sinabi niya sa press conference sa Palasyo nitong Lunes matapos pulungin ang government task force sa paglaban sa banta ng coronaviru­s.

Ang mga awtoridad ng kalusugan ay paulit-ulit na nanawagan sa publiko na obserbahan ang pag-iingat sa kalusugan tulad ng wastong kalinisan ng kamay upang maiwasan na kapitan ng COVID19. Ang kalagayan ng tubig sa bansa ay luminaw sa gitna ng mga alalahanin sa kakulangan na tumama sa Metro Manila at kalapit na mga lalawigan sa mga buwan ng tag-init noong nakaraang taon.

Sa parehong press conference, sinabi ng Pangulo na handa siyang lumaban sa korte upang igiit ang pagtatayo ng Kaliwa

Dam project. Iginiit niya na hindi siya titigil sa pagpupursi­ge sa proyektong ito dahil ang nakataya ang suplay ng tubig ng bansa.

“I will force the issue, and I will battle with them in court. And I hope that the judges and the justices would understand,” aniya.

“Talagang hindi rin ako magpapigil. Kasi kung magpapigil ako, wala kayong tubig. ‘Yung apo ninyo. Pipilitin ko talaga ‘yan,” aniya.

Ang pagtatayo ng China-funded Kaliwa dam project sa Quezon ay naglalayon­g mapawi ang pagsandal sa Angat Dam para sa suplay ng tubig dahil inaasahang magbibigay ito ng karagdagan­g 600 milyong litro ng tubig bawat araw sa Metro Manila at kalapit na mga lalawigan.

Gayunman, salungat ang ilang mga grupo sa proyekto dahil sa mga pag-aalala na mawawalan ng tirahan ang maraming katutubo na nakatira sa lugar.

Sinabi ni Duterte na umaasa siya na makukumple­to ang water dam project “within the next two years.”

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines