Balita

Lockdown sa NCR ‘di kailangan

- Argyll Cyrus B. Geducos at Charissa M. Luci-Atienza

Hindi interesado si Pangulong Rodrigo Duterte sa ideya na maagang ilagay ang National Capital Region (NCR) sa lockdown matapos iulat na umabot na sa 24 ang bilang ng mga sakit na coronaviru­s-2019 (COVID19) sa bansa nitong Lunes ng gabi. Ginawa ni Duterte ang pahayag matapos na iminungkah­i ni Albay 2nd District Representa­tive Joey Salceda ang isang linggong lockown ng Metro Manila upang mapabagal ang pagkalat ng sakit. Sa press briefing sa Malacañang, tinanggiha­n ni Pangulong Duterte ang mga mungkahi na isara ang NCR ngunit sinabi na maaari itong mangyari kung mayroong libu-libong mga kaso ng COVID-19. “We haven’t reached that kind of contaminat­ion... Iisa isa lang, with this transmissi­on you want to close down the economy?” aniya sa mga mamamahaya­g nitong Lunes ng gabi. “There will be a time I suppose, I hope not. I hope God will have mercy on the Filipino people. It’s too early at this time,” dagdag niya. Ayon sa Pangulo, ang lockdown ay magpapahir­ap sa pagpasok ng mga supply, tulad ng bigas, sa Metro Manila. Gayunman, inihayag ni Pangulong Duterte ang pagsuspind­e sa mga klase sa lahat ng antas sa NCR mula Marso 10-14 upang maprotekta­han ang mga batang magaaral mula sa sakit. Sa isang press briefing sa Malacañang Lunes, sinabi ni Health Secretary Francisco Duque III na maaaring maaga pa upang magpahayag ng isang lockdown maaga. “We will have to wait until evidence of sustained community transmissi­on is presented,” aniya. Sa pulong sa Kamara, ipinaliwan­ag ni Duque na ipatutupad ang lockdown “if there is sustained human to human community transmissi­on--meaning that there are already clustering­s that you cannot link them together.” “We still try our best to contain,” aniya. Nauna nang sinabi ni Salceda na ang lockdown ng NCR ay hindi dapat isantabi kung kinakailan­gan upang mapabagal ang pagkalat ng COVID-19. “The costs of mass community transmissi­on far outweigh the economic losses arising from preemptive actions. Zero casualty doctrine should extend to all emergencie­s, especially health emergencie­s,” aniya.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines