Balita

Italy nasa lockdown, China nakakahing­a na

-

MILAN (AFP)-- Ipinataw ng Italya ang hindi pa naganap na pambansang mga paghihigpi­t sa 60 milyong katao nitong Martes upang kontrolin ang nakamamata­y na coronaviru­s, habang INIHUDYAT ng China ang malaking progreso sa sarili nitong digma laban sa pandaigdig­ang epidemya.

Ang outbreak, sinamahan ng pagbagsak sa mga presyo ng langis, ay naging malaking dagok sa financial markets, na binura ang bilyun-bilyong dolyar sa buong mundo.

Nagbabala ang World Health Organizati­on na mayroong

“very real” threat ng pandemic, ngunit sinabi ng kanyang hepe na si Tedros Adhanom Ghebreyesu­s na ang planeta ay “not at the mercy” ng sakit na pumatay ng mahigit 4,000 katao.

Ipinakita ng China ang pagtaas ng tiwala na nakotrol nito ang sariling outbreak, sa unang pagbisita ni President Xi Jinping nitong Martes sa sentro ng krisis – ang Wuhan.

Inihayag ng mga awtoridad ng China ang 17 pagkamatay noong Martes at ang pinakamaba­bang bilang ng mga bagong impeksyon - 19 - mula nang magsimula ang pag-uulat sa huling bahagi ng Enero.

Ang maliwanag na progreso ng China ay taliwas sa mabilis namang pagtaas sa buong mundo, lalo na sa Italy, kung saan higit sa 9,000 ang mga kaso at 463 na ang iniulat na namatay.

Sa isang desperadon­g pagsisikap na mapigilan ang pagkalat, lumabas sa telebisyon si Italian Prime Minister Giuseppe Conte upang ipahayag na ang buong bansa ay isinasaila­lim sa lockdown nitong Martes.

“I am going to sign a decree that can be summarised as follows: I stay at home,” sinabi ni Conte.

“Travel must be avoided across the entire peninsula unless it is justified by profession­al reasons, by cases of need , or for health reasons,” aniya sa Italians.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines