Balita

3 holdaper nakipagbar­ilan sa pulis, tigok

- Jun Fabon

Utas ang kilabot na dalawang holdaper/karnaper at karnaper nang makipagbar­ilan sa mga pulis sa Novaliches, Quezon City bago maghatingg­abi kahapon.

Agad na nasawi ang mga suspek nang manlaban sa mga awtoridad sa San Roque St., Barangay Nagkaisang Nayon, Novaliches, Quezon City dakong 11:30 kamakalawa ng gabi.

Ayon sa Novaliches Police Station (PS3), ang mga suspek ay sangkot sa mga holdapan sa Novaliches.

Lumitaw sa imbestigas­yon, sa nasabing oras, ang biktimang si

Mark na isang food delivery service ay pauwi na sa kanilang bahay sa San Juan gamit ang motorsiklo nang malaglag ang kanyang bag sa daan.

Nang huminto siya sa tapat ng isang mall, agad siyang nilapitan ng dalawang suspek at tinutukan ng baril, at sapilitang tinangay ang motorsiklo at personal niyang mga gamit.

Dahil dito, humingi ng tulong ang biktima sa mga pulis na agad namang tinugis ang mga suspek at natunton sa isang bakanteng lote sa Barangay Nagkaisang Nayon.

Nabatid nakipagbar­ilan ang 2 suspek sa mga pulis na ikinasawi ng mga ito.

Nauna rito, dakong 11:20 ng gabi, nasawi din ang isang holdaper at tulak ng iligal na droga nang makipagbar­ilan sa mga tauhan ng follow-up unit ng Batasan Police Station (PS6) sa Bgy. Batasan Hills, QC.

Kinilala ang napatay na suspek na si Ebrahim Asula y Sarri ng No. 7 Kalayaan B, Bgy. Batasan Hills.

Nabatid na si Asula ay nasa drug watch list ng QCPD at sangkot sa nakawan ng motorsiklo sa lugar.

Nakuha sa bangkay ng suspek ang .45 kalibre ng baril, cellphone at mga sachet ng shabu.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines