Balita

Cargo vessels mula China, papayagang dumaong sa Bacolod

- Glazyl Masculino

BACOLOD CITY – Inanunsiyo ng lokal na pamahalaan ng Bacolod City nitong Lunes, na papayagan na ang anumang sasakyang-pandagat mula China, Hong Kong at Macau SAR na makadaong sa anumang pantalan ng lungsod, sa kabila ng panganib na dala ng coronaviru­s (COVID-19).

Ito’y matapos kanselahin ng Department of Interior and Local Government (DILG) ang naunang Executive Order (E.O.) No. 11, Series of 2020, na inilabas ni Mayor Evelio Leonardia, na nagbabawal sa pagpapasok ng anumang vessel mula sa mga nasabing bansa sa anumang pantalan sa lungsod.

Sa liham na may petsang Marso 6, sinabi ni DILG Secretary Eduardo Año na “the department acknowledg­es and commends your effort to stay true to your responsibi­lity as the chief executive of the city to protect the health and welfare of your constituen­ts.”

Gayunman, binigyang-diin din ni Año sa kanyang liham sa alkade, na taliwas ito sa naunang inilabas ng Department of Health (DOH) Circular No. 2020-0034 na may petsang February 4 na may titulong “guidelines at all seaports for prevention and spread of CoVid -19.”

Sinabi rin ng Kalihim na ang ban sa lahat ng cargo vessels sa ilalim ng E.O. No. 11 ay hindi rin umaagapay sa posisyon ng DILG.

Dahil dito, naglabas ang alkade ng issued E.O. No. 12, Series of 2020 noong Marso 7, na nagmomodip­ika sa E.O. No. 11 na unang inilabas noong February 26.

“While we are concerned about the disease, we have left with no choice but to follow orders,” anito.

Nagdagdag din umano ng mas mahigpit napanuntun­an sa bagong kautusan upang higit na maprotekta­han ang kalusugan at kapakanan ng publiko mula sa pagkalat ng COVID-19, sa kabila ng pagpapahin­tulot na na makadaong ang mga cargo vessels sa lungsod.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines