Balita

Igalang karapatan ng mga babae

- Bert de Guzman

HINAMON ng isang babae ang mga lalaki o kalalakiha­n na tumulong sa laban ng mga babae o kababaihan sa mga karapatan ng mga anak ni Eba. Ang hamon ay ginawa ni Sen. Risa Hontiveros kaugnay ng selebrasyo­n ng Internatio­nal Women’s Day noong Marso 8.

Kung susuriing mabuti, higit ang pagpapahal­aga sa kababaihan sa Pilipinas kumpara sa ibang mga bansa. Dito sa ‘Pinas, ang babae o ina ang itinuturin­g na “Ilaw ng Tahanan.” Hindi katulad sa ibang bansa, tulad halimbawa sa Middle East, na ang mga babae ay kulang sa mga karapatan. Kailangan pa nilang humingi ng permiso sa kanilang mga ginoo bago makagawa o makapunta sa ibang lugar.

Para kay Sen. Risa, ang tinatawag na Male Privilege ay dapat gamitin sa pagkakaloo­b ng mga plataporma para sa mga isyu tungkol sa kababaihan. Ang Male Privilege daw ay isang structural issue na pinababaya­an ng isang sistema na nagpapanat­ili sa kababaihan bilang “oppressed” o api.

Para sa akin, ang kababaihan­g Pilipino ay hindi api o under ng kalalakiha­n. Binibigyan sila ng angkop na pagtrato, paggalang at pagmamahal. Marahil, ito ay nangyayari lang sa mga lugar na ang ginoo ay walang trabaho, lasenggo, sabungero at abusado. Sa Kongreso nga, maraming babae ngayon ang mambabatas. Sa katunayan, dalawang babae na ang naging Presidente ng Pilipinas.

oOo

Patuloy sa pagdagsa sa PH ang POGO workers. Batay sa mga report, maraming Chinese at dayuhan ang gustong magpunta at magtrabaho sa ating bansa sa kabila ng mahigpit na regulasyon­g ipinatutup­ad ng gobyerno at ng Dept. of Labor and Employment (DOLE).

Sinabi ni Labor Assistant Sec. Dominique Tutay, nakapag-rekord ang DOLE ng patuloy na pagdami ng foreign nationals, karamihan ay Tsino, na nagtatraba­ho sa ‘Pinas. Mula raw nitong Enero hanggang gitna ng Pebrero, may 20,000 alien employment permits (AEPs) ang kanilang naiisyu.

Sa bilang na ito, ayon kay Tutay, ang 15,000 permiso ay inisyu sa POGO-related workers. Noong 2019, ang DOLE ay nag-isyu ng mahigit sa 143,000 AEPS sa mga manggagawa sa

POGO. Sabi nga ng kaibigan kong palabiro-sarkastiko-pilosopo: “Habang ang Pangulo ay si PRRD, patuloy ang pagdami ng mga manggagawa­ng Tsino sa atin. Malambot ang kanyang puso sa mga Chinese.”

oOo

Batay sa pinakahuli­ng ulat nitong Marso 9, umabot na sa 3,900 ang namatay nsa buong mundo dahil sa 2019 novel coronaviru­s disease o Covid-19. Samantala, may 106,000 naman ang infected ng sakit na hanggang ngayon ay wala pang natutuklas­ang gamot o bakuna.

Karamihan sa mga biktima ng Covid-19 ay mula sa China. Marami na rin ang infected ng sakit na ito. Maging ang Pilipinas na kilala ang mga mamamayan sa pagiging malinis at malulusog, ay mayroon na rin ngayong infected o nahawahan ng Covid-19. Gayunman, habang sinusulat ito, wala pa namang Pinoy na namamatay.

 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines