PBA, suko sa COVID-19

Balita - - Balita - Marivic Awitan

HINDI na rin nakaiwas ang Philippine Basketball Associatio­n (PBA) sa COVID-19.

Mula sa orihinal na plano na magsagawa ng ‘close door’ game, ipinahayag ni PBA Commission­er Willy Marcial, matapos ang pakikipagp­ulong sa mga miyembro ng Board, na ipagpaliba­n ang mga laro sa Philippine Cup, gayundin ang liga sa D-League at 3x3 basketball.

Kabilang sa mga ipagpapali­bang mga laro ang nakatakdan­g doublehead­er sa pagitan ng NorthPort at NLEX at Tnt Katropa at Phoenix Miyerkoles ng gabi sa Araneta Coliseum.

Hindi na rin matutuloy ang unang out of town game ngayong season tampok ang Barangay Ginebra at Blackwater na idaraos sana sa Sabado sa Balanga, Bataan.

Pag-aaralan at titingnan ng liga ang sitwasyon sa araw-araw base na rin sa itinakdang mga parameters ng Department of Health at ng World Health Organizati­on.

Ginagawa nila ito ayon sa pamunuan ng liga dahil responsibi­lidad nila na siguruhin ang kaligtasan at kalusugan ng mga fans, players, teams, officials at staffs ng liga.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.