Balita

TWICE’s Tzuyu nakaquaran­tine sa Taiwan

- Ni JONATHAN HICAP

NA K A - H O M E quarantine ngayon ang K-pop girl group TWICE member na si Tzuyu sa Taiwan bilang bahagi ng regulation­s kaugnay ng coronaviru­s disease (COVID-19).

Lumipat si Tzuyu pa-Taiwan mula South Korea noong Marso 3 at agad na sumailalim sa two-week quarantine sa kanyang bayan, ayon sa kanyang mother Huang Yen-ling, base sa Taiwan News.

Nagpatupad na ang Taiwan’s Centers for Disease Control (TEDC) ng rule noong Feb. 27, kung saan lahat ng papasok ng Taiwan mula South Korea ay dapat sumailalim sa 14-day period quarantine. Inaasahang matatapos ang quarantine ni Tzuyu sa March 18.

Ang ipinatupad na panuntunan ay matapos makitaan ng malaking pagtaas ng bilang ng kaso ng COVID-19 ang South Korea. Sa huling tala, may nasa 7,382 kumpirmado­ng kaso na sa South habang ang Taiwan ay may 45 kaso pa lamang.

Umuwi ng Taiwan si Tzuyu matapos makansela ang mga aktibidad ng TWICE dulot ng

virus kabilang ang Twicelight­s na dapat sanang nakaschedu­led noong Marso 7 at 8 sa Seoul. Ilang malalaking K-pop concerts at events din ang kinansela na.

Ayon sa ulat, kasalukuya­ng nasa Tainan City si Tzuyu. Hindi naman alam kung kailan babalik ng South Korea ang K-pop idol.

Sa pagbabahag­i ng kanyang ina, nananatili sa bahay ang K-pop star na nililibang ang oras sa panonood ng movies at sports, exercising.

Una nang nag-donate si Tzuyu ng 50 million won (P2.1 million) sa isang charity group sa South Korea at 300,000 yuan (P2.1 million) sa isa pang Charity group sa China upang malabanan ang COVID-19.

 ??  ?? Tzuyu
Tzuyu

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines