Balita

Knights, nakaisa sa Palayan City

- Ni ANNIE ABAD

GAPAN --Matira ang matibay ang siyang magiging kahihinatn­an ng labanan ngayong darating na Linggo para sa Game 3 ng 2020 Community Basketball Associatio­n (CBA) Pilipinas Executive Cup basketball finals.

Napigilan ng defending champion na San Juan Knights ang host team na Palayan City sa isang kumbinsido­ng 74-66 panalo na ginanap sa Gapan City Gymnasium dito noong Linggo ng gabi.

Hindi nagpatinag ang tropa ni coach Randy Alcantara kahit pa nga nasa mas lamang ang kalaban pagdating sa suporta ng audience dahil sa homecourt advantage nito.

Naging makapigil- hiniga ang laro nang buhat sa 44-24 kalamangan ng San Juan Knights sa pagtatapos ng second quarter ay nakahabol ang Palayan City sa 59-60 Kung saan ginamit nila ang lakas nina Gab Reyes at Renz Alcorisa galing sa 13-4 run sa pagpasok ng ikahuling yugto.

Ngunit Hindi hinayaan ni Ato Ular na makuha agad ng Palayan ang kampeonato kung saan pinangunah­an niya ang San Juan upang ipursigi Ang Game 3.

Tumipa 20 puntos at 14 rebounds si Ular habang si Judel Fuentes naman ay may iniambag na 13 puntos.

Hindi naging madali angpanalo para sa San Juan ngunit Alam mo Alcantara na nantiling naktuon at may diskarte ang kanyang koponan sa nasabing laro.

“The boys kept their composure even after they (Capitals) came charging back. Hindi nasiraan ng loob kahit pa nasa homecourt kami ng kalaban,” Ani Alcantara.

Aminado naman si Coach Alvin Grey na nanggigil ang kanyang mga bataan na agad na makuha ang panalo ngunit tumukod din sa bandang huli.

“Gigil Kasi Yung mga Bata. They wanted to end it na so Ang naging kalaban tuloy namin Yung mga sarili din namin. They wanted to prove something to the home crowd kaso nga kinapos kami,” ani Grey.

Hindi naging sapat ang 22 puntos na tinipon ni Guilmer Dela Torre ngunit tuwala si Grey na makakabawi sila ngayong Game 3.

Tatanggap ng P1 milyon ang koponan na magkakamoe­on sa nasabing torneo. Annie Abad

Iskor:

San Juan Knights (74) - Ular 20, Fuentes 13, Gamboa 11, Nocum 8, Lugo 7, Nieles 5, Salenga 4, Garcia 3, De Vega 3, Serrano 0, Delaten 0, Cantos 0

Palayan City Capitals (66) - Dela Torre 22, Dela Cruz 10, Reyes 8, Aguirre 8, Alcoriza 7, Abanto 4, Ocampo 3, Maroga 2, Juanico 2, Torrado 0

Quartersco­res: 23-9, 44-26, 58-55, 7466,

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines