Balita

Basilan at San Juan nakauna sa MPBL

-

TAGUM CITY – Dehado sa papel, ngunit hindi sa puso.

Pinatunaya­n ng No.3 ranked Basilan-Jumbo Plastic na handa sila sa anumang hamon na haharapin matapos angasan ang top seed Davao Occidental-Cocolife, 74-72, sa Game 1 ng 2020 Chooks-to-Go MPBL Lakan South Finals nitong Martes sa Davao Sports and Tourism Complex dito.

Tangan ang manipis na 73-72 bentahe, napilitan ang league officials na pansamanta­lang itigil ang laro bunsod nang pagkasira ng time clock may 15.2 segundo ang nalalabi.

Sa pagbabalik ng aksiyon, nadepensah­an ng Steels ang tangka ni Billy Ray Robles na nagbigay ng pagkakatao­n kay Allyn Bulanadi na selyuhan ang panalo.

Ngunit, isang free throw lamang angh naisalpak ni Bulanadi para sa isa pang pagkakatao­n sa Tigers na maipanalo ang laro o maipuwersa ang ovetime, subalit sablay ang off-balance shot ni Kenneth Mocon sa buzzer.

“That’s how the division finals will be. Toe-to-toe, breaks of the game, talagang kailangan lang composed kasi yun yung magde-decide eh!,” sambit ni Basilan head coach Jerson Cabiltes.

Nanguna si Bulanadi sa Basilan na may 15 puntos, siyam na rebounds, limang steals, at tatlong blocks.

Kumana naman si Robles ng 15 puntos para sa Davao Occidental.

Sa ikalawang laro, magaan na ginapi ng defending champion San Juan-Go for Gold ang Makati-Super Crunch, 76-60, sa Game 1 ng North Division Finals.

Naghabol sa 46-51 sa third period, ratsada ang San Juan sa 10-0 run para maagaw ang bentahe. Namintina ng

Knights ang momentum at nagawang mapalawig ang bentahe sa 16 puntos, 7155. May 1:52 ang nalalabi.

“Noong halftime, sabi ko lang pantayan o higitan pa namin yung energy ng Makati para makuha namin yung panalo,” pahayag ni Knights coach Randy Alcantara.

Hataw si Datu Cup Finals MVP Mike Ayonayon sa naiskor na 13 puntos, anim na boards, tatlong dimes, isang steal at isang block, habang kumana si John Wilson ng 11 puntos, walong rebounds, tatlong assists, dalawang steals at dalawang blocks.

Nanguna si Cedric Ablaza sa Makati na may 11 puntos, habang kumana sina Joseph Sedurifa at Rudy Lingganay ng tig-10 puntos.

Iskor:

(Unang Laro) Basilan-Jumbo Plastic (74) -- Bulanadi 15, Bautista 12, Balucanag 12, Collado 9, Dumapig 7, Dagangon 6, Bringas 4, Palencia 4, Gabo 2, Daa 2, Manalang 1.

Davao-Occidental Cocolife (72) -Robles 15, Gaco 12, Yee 12, Custodio 7, Forrester 6, Calo 5, Mocon 5, Terso 4, Saldua 3, Balagtas 2, Albo 1, Ludovice 0.

Quartersco­res: 16-16, 36-36, 56-56, 74-72.

(Ikalawang Laro)

San Juan-Go for Gold (76) - Clarito 19, Ayonayon 13, Wilson 11, Estrella 9, Wamar 8, Tajonera 6, Pelayo 5, Reyes 4, Gabawan 2, Isit 0, Victoria 0.

Makati-Super Crunch (60) - Ablaza 11, Sedurifa 10, Lingganay 10, Torralba 7, Apinan 7, Villanueva 6, Morales 3, Atkins 2, Baloria 2, Manlangit 2, Asoro 0, Cayanan 0, Importante 0, Cruz 0.

Quartersco­res: 24-11, 38-35, 56-51, 76-60.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines