Balita

Kasaysayan sa NSNU sa UAAP cage tilt

-

NAPANATILI ng Nazareth School of National University ang dominasyon sa UAAP High School Boys’ Basketball matapos kompletuhi­n ang ‘sweep’ sa bestof-three title series laban sa Far Eastern University-Diliman, 8780, sa closed door game sa FilOil Flying V Centre sa San Juan City.

Makasaysay­an ang pagsungkit ng powerhouse Bullpups sa ikalimang kampeonato sa nakalipas na siyam na season tangan ang 16-0 sweep sa kabuuan ng season. Nahila rin ng NSNU ang winning run sa 27 sundo na laro.

Nagawang makadikit ng Baby Tamaraws matapos maghabol sa 17 puntos sa 72-79.

Ngunit, humirit ang graduating seniors na sina Kevin Quiambao, Carl Tamayo, at Gerry Abadiano sa huling 4:02 ng laro para masiguro ang panalo ng Bullpups.

Napantayan ng NSNU ang marka ng Ateneo’s men’s at National University’s women’s teams na pawang nagkamepon nitong season sa dominanten­g 16-0 sweep.

Hataw si Tamayo, tinanghal na Finals MVP, sa naiskor na 26 puntos at 22 rebounds. Naitala niya ang averaged 19 puntos at 18 rebounds. Nag-ambag si Abadiano ng 20 puntos, limang boards at tatlong assists, habang kumana si Terrence Fortea ng 12 puntos at apat na assists para sa Bullpups.

“Nakakatuwa kasi lahat ng pinaghirap­an namin, it paid off,” pahayag ni coach Goldwin Monteverde, hahawakan ang NU’s men’s basketball team sa September. “We sustained our focus and energy of the players throughout the whole year.”

Nanguna si John Rey Pasaol sa FEU na may 20 puntos, pitong boards, limang steals at apat na assists, habang kumana si Penny Estacio ng 17 puntos.

Iskor:

NS-NU (87) - Tamayo 26, Abadiano 20, Fortea 12, Quiambao 8, Alarcon 5, Tulabut 5, Enriquez 4, Torres 3, Buensalida 2, Mailim 2, Felicilda 0

FEU-D (80) - Pasaol 20, Estacio 17, Bautista 13, Sleat 13, Anonuevo 8, Padrones 5, Libago 3, Bagunu 1, Saldua 0

Quartersco­res: 24-17, 53-45, 75-62, 87-80

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines