Class suspension sa Rizal, in-extend

Balita - - Front Page - Mary Ann Santiago

Sinuspinde na ang klase sa buong Rizal sa susunod na linggo bilang bahagi pa rin ng pag-iingat sa coronaviru­s disease (COVID-19).

Sa inisyung memorandum ni Rizal Governor Rebecca Ynares, nitong Marso 11, 2020, suspendido ay ang klase sa lahat ng antas sa mga pampubliko at pribadong paaralan simula kahapon, Marso 12 hanggang Marso 19, Huwebes.

Layunin umano nitong mabigyan ng panahon pa na ma-sanitize ang mga paaralan at bahay ng mga taga-Rizal, na makatutulo­ng upang maiwasan ang pagkakaroo­n ng community transmissi­on ng virus.

“Due to the emerging threat of spread of COVID-19, classes in all levels both public and private are temporaril­y suspended, effective 12 March 2020 to 19 March 2020 to give time to sanitize classrooms and school buildings and our houses,” bahagi ng nasabing memorandum.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.