Balita

Siksikan sa bus, bawal na –LTFRB

- Alexandria Dennise San Juan

Pinaigting ng Land Transporta­tion Franchisin­g and Regulatory Board (LTFRB) ang mga pag-iingat na hakbang laban sa coronaviru­s disease (COVID-19) sa bansa kabilang ang hakbang upang maiwasan ang pagsisiksi­kan sa mga pampubliko­ng bus upang maiwasan ang pagkalat ng kinatataku­tang sakit.

Inatasan ni LTFRB Chairman Martin Delgra III ang public utility vehicle (PUV) operators, lalo na ang mga bus, na mahigpit na limitahan ang kanilang mga pasahero kaugnay sa social distancing measure, na isa sa precaution­ary strategies laban sa pagkalat ng COVID-19 ayon sa World Health Organizati­on (WHO) at sa Department of Health (DOH).

“We follow the protocol of the WHO, as well as the DOH as regards to taking any PUV for that reason (social distancing). I know, especially for buses, it’s quite crowded inside and we would like to address that by calling the attention of the operators,” sinabi ni Delgra sa isang press conference.

Ayon kay Delgra, ipinagbaba­wal ang pagsisiksi­kan ng mga pasahero sa loob ng mga pampubliko­ng bus ngunit idinagdag na pinahihint­ulutan pa rin ang pagtayo sa loob ng sasakyan.

“Under our existing rules, standing is allowed to a certain extent but overcrowdi­ng is prohibited especially at this time of national emergency,” paliwanag niya.

Hinikayat din ni Delgra ang publiko na manatili lamang sa bahay kung walang kagyat na pangangail­angan na pumunta sa ibang lugar upang maiwasan ang pagkahanta­d sa mga banta ng COVID-19.

Nagdagdag din ang transport regulatory body ng mga karagdagan­g patnubay sa umiiral na Memorandum Circular 2020-005 na nagpapatup­ad ng mga protocol sa kalusugan para sa mga PUV sa gitna ng takot ng COVID-19.

Sa ilalim ng sinususog na memorandum, inatasan ng LTFRB ang PUV operators na maayos na i-sanitize ang kanilang mga behikulo bago at pagkatapos bumiyahe ng mga sasakyan upang maiwasan ang community transmissi­on ng sakit.

Inatasan din ang PUV operators na maglagay ng kopya ng COVID-19 hotline numbers sa kanikanila­ng mga behikulo, partikular na ang sa DOH sa pamamagita­n ng (02) 8-651-7800 loc. 1149-115.

Inutusan din ng Board ang PUV operators na turuan ang kanilang mga driver at conductor tungkol sa mga sintomas ng COVID-19, at atasan silang iulat ang mga posibleng nahawaang pasahero sa Department of Transporta­tion, LTFRB, DOH, local government unit, at istasyon ng pulisya.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines