Balita

SOCIAL DISTANCING, PAANO BA?

Standard parameters para iwas-virus, ilalabas

- Ni JEL SANTOS

Bubuo na ang Technical Working Group (TWG) mula Metropolit­an Manila Developmen­t Authority (MMDA), Metro Manila Council (MMC), at iba pang kaugnay na ahensiya, ng standard parameters para sa social distancing upang maiwasan ang pagkalat ng Coronaviru­s Disease 2019 (COVID-19).

Ayon kay Danilo Lim, MMDA chairman, ilalabas ang polisiya sa pamamagita­n ng isang resolusyon, na gagamitin na basehan para sa 17 local government unit ng Metro Manila upang masiguro ang kaligtasan ng publiko mula sa panganib ng COVID-19.

“The policies would set standard parameters, like for example, in suspending mass gatherings in the entire Region,” pahayag ni Lim, nitong Martes sa MMC meeting na dinaluhan ng mga Mayor ng NCR sa MMDA Headquarte­rs.

Ang TWG, aniya, ay binubuo ng lahat ng mga miyembro ng MMC, kabilang ang mga kinatawan mula sa mga ahensiya ng pamahalaan.

“The resolution will come out within the week or before the next inter-agency task force meeting,” saad pa ng MMDA chairman.

Sa ngayon, nanawagan muna ng tulong si Interior and Local Government

Sec. Eduardo Año sa Metro Manila mayors upang masiguro na malayo ang mga estudyante sa mga shopping malls at matataong lugar, bilang proteksyon sa kanila mula COVID-19.

Sa patuloy na pagtaas ng bilang ng mga kumpirmado­ng kaso ng COVID19 sa bansa, hinikayat ni Jose Arturo Garcia, MMDA general manager, ang publiko na gawin ang social distancing protocols.

“Let us avoid crowded areas as preventive measure. At this point, the government is not considerin­g lockdown of Metro Manila but we are ready for all the possibilit­ies,” aniya.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines