Safe maligo sa swimming pool, dagat vs COVID-19

Balita - - News - Mary Ann Santiago

Nilinaw ni Health Secretary Francisco Duque III na ligtas pa ring maligo sa mga swimming pool at dagat ngayong summer, kahit pa may banta ng coronaviru­s disease (COVID-19) sa bansa.

Ang pahayag ay ginawa ni Duque, nang matanong sa isang panayam sa radyo kung maaari bang maligo sa dagat at swimming pool ngayong panahon na ng tag-init, kahit unti-unti nang lumalagana­p sa bansa ang virus.

Ayon kay Duque, dahil maalat ang tubig dagat ay hindi maaaring mabuhay dito ang virus, lalo na kung nabilad ito sa init ng araw.

Sa swimming pool naman aniya, ligtas ring paliguan ang tubig kung ito’y nilagyan ng chlorine.

Payo naman ni Duque, kung makikitang kulay berde at malabo ang tubig sa swimming pool ay mas mabuting huwag na lamang munang mag-swimming dahil tiyak na marumi ito at maaaring magdulot lamang ng karamdaman.

“Oo, safe naman (paliligo sa dagat at swimming pool). Oo.

Kasi kapag naarawan naman yan (tubig).. saka siguraduhi­n natin na yung tubig (sa pool) may chlorine. Makikita naman e, kung yung tubig, kulay-asul, mayaman sa chlorine, tama sa chlorine. Ngayon, kung berde, huwag. Kung berde, malabo, ay huwag po kayong magsu-swimming diyan,” paliwanag ni Duque.

“Basta’t mainit ang panahon, okey naman ang dagat, salty naman yan, so hindi mabubuhay diyan ang COVID-19,” aniya pa.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.