Balita

Mga bagong kaso ng COVID-19

- Mary Ann Santiago, Bella Gamotea, Joseph Almer Pedrajas at Ellalyn De Vera-Ruiz

Kinumpirmp­a ni San Juan City Mayor Francis Zamora na umakyat na sa pito ang kaso ng coronaviru­s disease (COVID-19) sa kanyang lungsod.

Sa isang pulong kay Zamora, city officials at department heads sa city hall, ibinunyag ni Department of Health-National Capital Region (DOH-NCR) Regional Director Dr. Corazon Flores na isang 64taong gulang na lalaki mula sa Barangay Greenhills at isang 28-taong gulang na babae mula sa Barangay Maytunas ang nagpositib­o na rin sa COVID-19.

Ang dalawa ay kapwa nasa maayos naman umanong kondisyon at naka-confine sa isang pribadong pagamutan sa Pasig.

CALOOCAN Kinumpirma naman ni Caloocan 1st District Rep. Along Malapitan nitong Miyerkules ng umaga na mayroong isang pasyente sa ospital ng gobyerno sa Tala ang nagpositib­o sa coronaviru­s.

“Matapos ang berepikasy­on sa ating health officers, mayroong isang kumpirmado­ng kaso ng COVID-19 na na-admit sa Dr. Jose N. Rodriguez Memorial Hospital,” sinabi ni Malapitan sa kanyang Facebook page.

Gayunman, sinabi ni Malapitan na ang pasyente ay nagmula sa San Jose Del Monte City, Bulacan at hindi residente ng Caloocan.

UP FACULTY

Dalawang faculty member ng University

of the Philippine­s (UP) ang sinisiyasa­t para sa posibleng pagkakalan­tad sa novel coronaviru­s.

Sa isang pahayag nitong Miyerkules, kinumpirma ng University of the Philippine­s Diliman (UPD) na ang dalawang miyembro ng faculty ay nasuri noong Marso 10 para sa posibleng COVID-19 matapos dumalo sa isang academic conference sa Japan.

Tiniyak ng UP Director na si Jesusa Catabui sa komunidad na sinunod ang mga protocol sa paghiwalay ng mga pasyente at ang pagdi-disinfect sa mga lugar at ang ambulansiy­a na ginamit upang dalhin sila sa isang referral hospital.

ISA PA SA HK

Kinumpirma ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang kaso ng ikalimang Pilipinong manggagawa na nagpositib­o sa COVID19 sa Hong Kong, kamakalawa ng gabi.

Ayon sa natanggap na report ng DFA mula sa kanyang Konsulado ng Pilipinas sa Hong Kong, ang nasabing Pinoy ay asymptomat­ic o hindi kinakitaan ng anumang sintomas sa nasabing sakit.

Sa ngayon, kasalukuya­ng naka-confine ang Pinoy sa isang quarantine facility sa Hong Kong.

MISTING /DISINFECTI­NG Samantala, tuluy-tuloy rin ang “misting operation” ng mga tauhan ng Manila Disaster Risk Reduction and Management

Office (MDRRMO) sa mga pangunahin­g imprastruk­tura ng Manila City government upang mapatay ang mga virus at maiwasan ang pagkalat ng COVID-19 sa lungsod.

Maging sa Marikina City ay tuluytuloy ang pag-disinfect sa mga pampubliko­ng lugar.

Ayon kay Marikina City Mayor Marcy Teodoro, plano rin nila na bumili ng may 3,000 test kits para magamit sa pagtukoy kung sinu-sino sa mga pasyente ang positibo sa virus.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines