Balita

Duterte: It’s my job to scare, intimidate, kill people

- Argyll Geducos

Muling sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte na walang problema nang magbanta siya na papatayin ang mga kasangkot sa ilegal na droga dahil bahagi ng kanyang trabaho bilang Chief Executive ang takutin, pagbantaan at patayin ang mga tao.

Ginawa ni Duterte ang pahayag matapos maulat na hindi bababa sa P7 milyong halaga ng ilegal na droga ang nasamsam sa magkahiwal­ay na buy-bust operation sa Cebu City noong nakaraang linggo.

Sa isang talumpati nitong Martes ng gabi, galit si Duterte kung paano ang mga lokal na punong ehekutibo na sangkot sa iligal na droga ay ipinagyaya­bang pa kanilang mga pag-aari.

“It transcends vanity. It is really greed in the lowest form. ‘Yan ang problema. Maski mga mayor pumasok because of access of money,” aniya.

Muli ring binanatan ng Pangulo ang human rights groups na pumuna sa kanyang giyera laban sa droga, sinabing hindi siya natatakot na harapin sila sa korte.

“I’d be happy to place you in the cross --- in the witness stand, cross-examine you. Sabihin niyo the 70,000 [were] killed? Who was the 69th…? Can you name him?” sinabi ni Duterte.

“Lahat na lang ng patay ng Pilipinas, if you cannot blame anybody, you blame government. Because you threaten, of course. A mayor can always threaten a criminal without incurring criminal liability. It is my job to scare people, to intimidate people, and to kill people,” dagdag niya.

Sinabi ni Pangulong Duterte na kailangan niyang gawin ang lahat ng kanyang makakaya upang mailigtas ang bansa sa ilegal na droga.

“What am I really trying to say? That if nothing is done, this country will go to the dogs,” aniya.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines