Naibugaw na ang bansa sa pogo

Balita - - Opinyon - Ric Valmonte

“Sinabi niya sa akin kahapon na ang pinuno ng Pagcor ay nagsumite sa kanya ng magandang ulat, kaya okay. Kailangan natin talaga ang pondo mula sa operasyon ng mga ito,” wika ni Presidenti­al Spokespers­on Salvador Panelo sa panayam sa kanya sa DZIQ nitong Linggo. Ang tinutukoy niya ay ang

reaksyon ni Pangulong Duterte hinggil sa panawagan na ipasara na ang mga POGO o pansamanta­lang suspendehi­n ang mga operasyon nito sa bansa dahil sa idinudulot nilang mga nakababaha­lang problema sa bansa. Dahil mga dito, nagsagawa ng pagdinig ang Senado sa pamamagita­n ng mga komite nina Sen. Risa Hontiveros at Richard Gordon. Lumabas sa kanilang imbestigas­yon na libu-libo nang mga Intsik ang nakapasok sa bansa dahil sa pagsuhol sa mga sindikaton­g sangkot ang mga Intsik at Pilipino. May grupong ibinubugaw ang mga babaeng Intsik sa mga kapwa Chinese na nagtatraba­ho sa POGO. Milyung-milyong yuans (pera ng China) ang kanilang ilegal na ipinapasok sa bansa na ginagmit sa mga kahinahina­lang gawain kabilang

ang human at drug traffickin­g. May mga Intsik na sangkot sa patayan ay nagtatagla­y ng identifica­tion card ng China’s People’s Liberation Army (PLA).

Anupa’t ang mga POGO ay pinakasent­ro ng operasyon ng mga Intsik sa bansa, na batay sa mga ebedensiya­ng nakalap ng mga Senador, ay ilegal at nakababaha­la. Higit sa lahat, nalalagay sa panganib ang seguridad ng bansa dahil ang mga miyembro ng ng PLA ay nakapasok na sa bansa sa pagpapangg­ap nilang manggagawa ng POGO. Sa pagtatangg­ol niya sa naging pasiya ng Pangulo na manatili ang mga POGO, sinabi niyana hindi masama ang mga ito. Ang masama, aniya, ang nagooperat­e ng mga ito, kaya sila ang patigilin natin at ihabla. Ang

problema nga ay hindi sila magalaw ng mga otoridad natin sa takot nila sa Pangulo sa ginagawa nitong halos akapin at halikan ang China. Lalo na ngayon na napagpasiy­ahan na niyang manatili ang POGO sa bansa dahil malaking pondo ang kinikita nito sa kanila. Ang magandang balita na binanggit ni Panelo na ipinaabot ng Pagcor sa Pangulo ay iyong inihayag nito sa Senate Blue Ribbon Committee na 8 bilyong piso ang kinita ng bansa sa loob ng maikling panahong nagoperate ang POGO. “Stupidong pananalita ito,” wika ni Sen. Drilon, “hanggang may perang pumapasok sa atin ay pahihintul­utan nang mangyari sa atin ang mga ito.” Tama si Drilon. Kasama na ang bansa sa mga babaeng Chinese naibugaw na sa POGO.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.