Balita

Ika-66 na labas

- R.V. VILLANUEVA

DAHIL natiyak ni Tandang Mundong na hindi magiging hadlang sa misyon nila ni Allea sa pagbabalik sa barangay Alagaw para bigyan ng katarungan ang magulang ng dalaga, inanyayaha­n niyang maghapunan si Ramil sa bahay. Dahil pinangalaw­ahan ni Allea ang anyaya ng matandang albularyo, pumayag ang barangay tanod. Habang hinihintay na maluto ang hapunangin­ihahanda nila Rolan at Lyka, nagpatuloy sa paguusap sila Tandang Mundong, Ramil at Lyka sa sala. Kahit hindi gustong mangyari nila Tandang Mundong at Allea, naging paksa ng kanilang pag-uusap ang krimeng naganap sa magulang ng dalagamahi­git sampung taon ang nakakaraan. Malagim at karumal-dumal na krimeng hindi pa nahuhuli ang mga salarin na lingid sa kaalaman ni Ramil, pangunahin­g dahilan sa pagbabalik ni Allea sa kanilang barangay.

“Lolo Mundong, tulad ho ni Allea bata pa ako ng maganap ang pangyayari­ng ‘yun kaya wala akong ideya kung sino ang mga salaring pumatay kay Mang Horacio at Aling Karina,” wika ni Ramil. “Ngunit kung sinuman sila, kailangan nilang panagutan ang karumal-dumal at malagim na krimeng kanilang ginawa.”

“Palagay ko, malabo nang mangyari ang sinasabi mong ‘yan,

Ramil,” sagot ni Tandang Mundong na inililigaw ang barangay tanod sa tunay na layunin ng pagbabalik ni Allea sa barangay Alagaw.

“Bakit naman ho?” Tanong ni Ramil.

“Bukod sa mahigit ng sampung taon na ang nakaraan ng maganap ang krimen, walang nakakita sa mga salaring magtuturo para mahuli at magdidiin sa kasong kakaharapi­n nila sa korte bilang testigo,” paliwanag ni Tandang Mundong.

“Malamang na ang mga pangyayari­ng sinasabi ni Lolo Mundong ang maganap, Ramil,” ayon ni Allea sa matandang albularyo. “Dahil kahit ako, hindi ko maituturo ang mga salaring ‘yun kahit nakita ko ng gabing pasukin ang aming bahay.”

“Bakit?” Tanong ni Ramil kay Allea.

“May takip ang mukha ng tatlong lalaking pumasok sa aming bahay,” paliwanag ni Allea. “Kaya, kahit nakakaramd­am ako malaking galit sa nangyari sa aking mga magulang, ipinapasa-Diyos ko na lang.”

“Dapat talagang panagutan ng mga salaring ‘yun ang krimeng naganap sa magulang mo, Allea,” wika ni Tandang Mundong. “Ngunit huwag kang malungkot dahil hindi natutulog ang Diyos, tiyak na pagbabayar­an ng mga salaring ’yun ang pagkakasal­anila sa takdang panahon.”

“Hindi ho kayo nagkakamal­i, Lolo Mundong,”sagot ni Ramil. “Tiyak na pagbabayar­an ng mga salaring‘yun angkanilan­g pagkakasal­a, kung hindi dito sa lupa, sa impiyerno.”

“Walang dudang magaganap ang sinabi mong ‘yan, Ramil,” wika ni Tandang Mundong.“Dahil lahat ng kasalanan ng tao dito sa mundo, pinagbabay­aran nila sa impiyerno.”

Dahil hindi alam ni Ramil ang layunin ng kaklase sa pagbabalik sa kanilang barangay, muli niyang sinang-ayunan ang pananaw ni Allea at ng matandang albularyo. Pananaw na hindi niya alam, salungat sa nais mangyari nila Tandang Mundong at Allea dahil handa na ang balak sa gagawin nilang paghihigan­ti. Natigil sa pag-uusap nila nang tawagin sila ni Rolan para kumain na ng hapunan. Isang masagana at masayang hapunan ang pinagsaluh­an nilang sinundan ng paginom nila Tandang Mundong, Ramil at

Rolan ng alak na barikolkol na inilaan ng pamilya ng matandang albularyo sa mga bisitang darating. At tulad ng dapat asahan, muling natalakay sa pag-uusap ang malagim at karumaldum­al na krimeng naganap sa magulang ni Allea mahigit sampung taon ang nakakaraan. Krimeng natitiyak nila Tandang Mundong at Allea na mabibigyan ng katarungan sa tulong ng mga nilikha mula sa daigdig ng kababalagh­an.

Itutuloy...

 ??  ??
 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines