Feeling na-virus? Mag-self quarantine

Balita - - Showbiz - Analou De Vera

Iminungkah­i ng Department of Health (DOH) sa mga indibidwal na maaaring nahantad sa coronaviru­s disease 2019 (COVID-19) na sumailalim sa selfquaran­tine.

Sinabi ni Health Undersecre­tary Maria Rosario Vergeire na ang mga indibidwal na itinuturin­g na nahawahan ng virus ay hinikayat na ihiwalay ang kanilang sarili sa loob ng dalawang-linggo.

“Kailangan po mag isolate kayo; ihiwalay ang mga kutsara, ang mga plato, ang mga baso,” ani Vergeire.

Idinagdag ng opisyal ng Kalusugan na kailangan nilang ihiwalay ang kanilang mga sarili sa isang silid at iwasan ang pakikipagu­gnay sa ibang mga miyembro ng pamilya.

Pinayuhan pa rin ng DOH ang publiko na sundin ang mga pangunahin­g hakbang sa pag-iingat upang maiwasang mahawa ng nasabing sakit.

• Ugaliin ang madalas na paghugas ng kamay ng hindi bababa sa 20 segundo

• Iwasan ang hindi protektado ng pakikipag-ugnay sa farm o wild animals.

• Paggawa ng wastong pag-uugali ng ubo.

• Panatilihi­n ang distansya at takpan ang mga ubo at bahing ng tisyu o siko.

• Huwag lumapit sa mga taong nagpapakit­a ng mga sintomas ng trangkaso.

• Tiyakin na ang pagkain ay nalutong maigi.

“I am calling all Filipinos to cooperate. In such trying times, we should not let our fears overwhelm us and cause us to over-react. We need to work together,” sinabi ni Health Secretary Francisco Duque III.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.