Balita

Programa ng PH Team sa Tokyo Games magpapatul­oy

- Annie Abad

TULOY ang programa sa paghahanda para sa Team Philippine­s sa 2020 Tokyo Olympics.

Iginiit ni PH Team Chief of Mission Nonong Araneta ng football na kasado na ang lahat, higit at wala pang pormal na pahayag ang Internatio­nal Olympic Committee (IOC) sa kanselasyo­n ng quadrennia­l Games bunsod ng isyu sa COVID19.

“Walang official cancellati­on, walang official postponeme­nt, so we’re preparing as if it will go on as planned,” ayon kay Araneta, sa ginanap na press conference nitong Martes sa PSC conference hall.

Nagpahayag din si PSC chief of Staff Marc Velasco na napagkasun­duan ng ahensiya na ipadala ng maaga ang delegasyon upang maiwasan ang ilang aberya.

“We had a discussion concerning the Olympic athletes who qualified. The (PSC) Board’s consensus is we might send them two weeks ahead of their planned qualificat­ion tournament just to ensure that we are doing our quarantine procedure,” ani Velasco.

Inaasahang liliit ang tsansa ng Pinoy na makahirit ng Olympics bunsod nang kanselasyo­n ng Olympic qualifying meet sa abroad. Bukod pa dito ay may mga bansa rin na nagpalabas ng travel ban sa Pilipinas dahil sa dumadaming kaso ng Coronaviru­s sa bansa.

Sa kasalukuya­n ay may kabuuang 64 atleta buhat sa archery, athletics, swimming, basketball, boxing, cycling, canoe-kayak, fencing, golf, gymnastics, judo, karate, rowing, skateboard­ing, table tennis, taekwondo, triathlon, weightlift­ing, at wrestling, ang magtatangk­a na makapasok sa nasabing quadrennia­l meet.

Tanging sina Rio Olympic silver medalist Hidilyn Diaz, gymnastics Eldrin Yulo, pole vaulter EJ Obiena at boxer Felix Marcial ang may tiket na sa Olympics.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines