Magno, nakasungki­t ng Olympics slot sa box-off

Balita - - Sports - Annie Abad

APAT na ang pambato ng bansa sa 2020 Tokyo Olympics.

Napabilang si lady boxer Irish Magno sa ‘elite group’ matapos na pataobin ang kalabang si Sumaiya Qosimova sa boxoff ng Asia and Oceania Olympic Boxing Qualificat­ion Tournament nitong Miyerkoles sa Amman, Jordan.

Dalawang araw matapos na masiguro ni Eumir Felix Marcial ang kanyang slot sa Olimpiyada, agad namanh sumunod si Magno na sumungkit ng tiker sa Summer Games na nakatakda sa Agosto.

Wala pang pormal na pahayag ang Internatio­nal Olympic Committee (IOC) gayundin ang Japan Organizing

Committee kung sususpindi­hin ang laro.

Sa kasalukuya­n, tanging sina pole vaulter EJ Obiena, gymnastics’ Carlos Yulo at si Marcial ang may tiket sa quadrennia­l Games.

Hindi natinag ng 19-anyos na pambato ng Tajikistan na si Qosimova ang 28-anyos na si Magno kung saan nagawa na pulbusin ng huli ang at sungkutin ang panalo sa pamamagita­n ng unanimous decision.

Samantala, hindi naman naging sapat ang lakas ni Carlo Paalam, upang nakakuha ng tiket sa Olimpiyada, matapos itong mabigo sa kanyang nakalaban na si Saken Bibossinov ng Kazakhstan, 1-4 para sa flyweight division.

Sinamantal­a ni Bibossinov, ang bentahe niya sa kanyang taas kontra kay Paalam, upang dominahin ang laban at gamitin ang oras, upang hindi maka-isa sa kanya ang Pinoy boxer.

Gayunman, gaya ni Nesthy Petecio, hindi pa rin naman ito ang huling pagkakatao­n para kay Paalam upang makakuha ng slot para sa 2020 Tokyo Olympics, gayung sasabak pa ito sa isa pang qualifying tournament ngayong Mayo sa World Boxing Championsh­ips sa Paris, France, na nakatakda sa Mayo 13-24.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.