Ronnie, bida sa ‘CLOY’ inspired movie

Balita - - Front Page - Cast ng ‘Harang’ Manila Bulletin Entertainm­ent

PANIBAGONG lead role ang gagampanan ng singer at aktor na si Ronnie Liang, matapos niyang bumida sa award-winning movie na Esoterika Manila noong 2014, kung saan nagwagi siya ng Gawad Pasado Best Actor award.

Inspired umano sa hit Korean drama series na Crash Landing On You, isang romanticco­medy movie ang Harang, mula sa direksyon ni Palanca award-winning writer Njel de Mesa na siyang nasa likod ng pelikulang Respeto. Gaganap si Ronnie bilang isang sundalo, ngunit iba naman ang takbo ng kuwento.

“Maganda ‘yung timing ng movie kasi katatapos ko lang mag training bilang 2nd Lieutenant so sa tingin ko mapo-portray ko nang maayos ‘yung character ko. Very personal and close to my heart itong role ko,”pagbabahag­i ni Ronnie.

Hangar in ang aktor sa creativity at love for his craft ni Direk Njel.

“Super happy ako sa title ng movie ko kasi kung iisipin mo, ‘yung ‘Harang’ ay parang super serious nung theme but it’s rom-com,”aniya. “The movie is about musicians at kung ano iyong current issues natin ngayon. Marami rin siyang interestin­g twists—at may secret wedding sa plot.”

“Hindi naman sa nakiki-ride sa hype ng Korean treatment whether sa film or series, pero maganda ring chance na ipakita sa audience na kaya rin nating gumawa ng ganung klaseng obra. Yes, we are influenced by them and other movies from different countries, pero may sariling touch dito si direk.”

Bahagi naman ng cast ng pelikula sina Princess Velasco at Thor Dulay.

Bukod sa pelikula, magkakaroo­n din si Ronnie ng PAGCOR tour ngayong taon. Kabilang sa mga naka-schedule na show ang March 18- Casino Filipino MGO, Manila; March 20- Casino Filipino Talisay, Cebu; April 16Casino Filipino Ilocos Norte; April 24- Casino Filipino Crown, Cebu; May 27- Casino Filipino Iloilo; at May 20- Casino Filipino Cebu.

Habang ngayong taon din matatapos na ni Ronnie ang program para sa commercial pilot sa Internatio­nal Aviation Academy. Habang pumasa na ito sa kanyang solo and private trainings bilang pilot.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.