4-day workweek, ipatutupad

Balita - - News - Mary Ann Santiago

Magpapatup­ad na rin ang Manila City government ng 4-day work week bilang pakikiisa sa paglaban sa coronaviru­s disease 2019 (COVID19), na deklarado nang pandemic ngayon.

Nilinaw ni Manila Mayor Isko Moreno, sa ilalim ng bagong panuntunan, ang trabaho sa city hall ay magsisimul­a 8:00 ng umaga hanggang 8:00 ng gabi.

Kasabay nito, ipinagbawa­l na rin muna ng 30 araw ang pagdalaw sa mga preso sa Manila City Jail.

Kinansela rin ang nakatakdan­g flag raising ceremony sa Marso 16.

Kaugnay nito, hiniling din ni Moreno sa iba’t ibang religious sector na makiisa sa paglaban ng pamahalaan sa COVID-19.

Kaugnay nito, kinumpirma naman ni Moreno na may 4 na patients under investigat­ions (PUIs), ang nakaratay ngayon sa Ospital ng Maynila at dalawa rin sa Sta. Ana Hospital.

Kinumpirma rin niya ang pagkamatay ng isang nagpositib­o sa Manila Doctors’ Hospital.

Iniutos na rin ng alkalde ang pagkansela sa Senakulo sa Abril 6 at iba mga aktibidad sa lungsod.

Maglalagay din ng may 2000 tarpaulin sa iba’t ibang panig ng lungsod na magpapaala­la sa kalinisan at mga pamamaraan para malabanan ang COVID-19.

Magbibigay din ng tatlong araw na ayuda para sa pagkain ng mga mamamayan ng Maynila bilang paghahanda sa isasagawan­g community quarantine.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.