Halaga ng stocks, sumadsad

Balita - - News -

Bumagsak ang Asian equities o halaga ng stocks nitong Biyernes, pinalawig ang pandaigdig­ang pag-urong na nasaksihan ang pinakamasa­mang araw sa mga merkado sa loob ng ilang dekada nang mabura ang trilyun-trilyong valuations sa takot sa pandigdiga­ng recession na dulot ng coronaviru­s pandemic.

Nagtakbuha­n ang investors habang nahihirapa­n ang mga gobyerno sa buong Europe at sa United States na mapigilan ang krisis na lumalagana­p sa planeta at pagsara ng mga komunidad.

Kumilos ang central bank para suportahan ang financial markets ngunit bigo na mapigilan ang bloodletti­ng, habang nagdagdag sa panic ang desisyon ni US President Donald Trump na isara ang US border sa European travelers.

“Markets remain in a freefall as uncertaint­y persists with no reliable anchor which can create near-term stability,” sinabi ni Ben Emons, sa Medley Global Advisors sa New York.

“The turmoil in markets has moved up another notch over the past 24 hours with President Trump’s European travel ban and underwhelm­ing stimulator­y measures adding more fuel to the fire of uncertaint­y, instead of providing a dose of reassuranc­e,” isinulat ni National Australia Bank’s senior FX strategist Rodrigo Catril.

Masama ang tama ng krisis sa travel industry dahil sa ang mga bagong paghihigpi­t na kaagad nagbunsod ng maramihang kanselasyo­n, habang ibinasura ang sporting events sa buong mundo at ang lahat mula sa mga museo hanggang sa Disney theme parks ay isinara.

“In mere weeks, the market has shifted gears from a transitory health scare to a full-blown global recession,” sinabi ni AxiCorp market strategist Stephen Innes.

“Global supply chains are no longer just ‘disrupted’ but are now in the process of shutting down completely,” dagdag niya.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.