Mag-asawang ‘pusher’, timbog sa buy-bust

Balita - - News - Bella Gamotea

Nalambat ng mga operatiba ng Pasay City Police ang isang mag-asawa na kabilang sa drugs watchlist at narekober ang mahigit P200,000 halaga ng pinaniniwa­laang shabu sa ikinasang buy-bust operation sa naturang lungsod, kahapon ng madaling araw.

Kinilala ni Colonel Erickson Dilag, hepe ng pulisya, ang naarestong mag-asawa na sina Violeta Cruz, alyas “Volet”, 43 anyos, at Rodolfo Cruz, alyas “Bogs”, 46, electricia­n, kapwa residente ng M. Dela Cruz Street, Barangay 129, Zone 13, Pasay City.

Sa ulat ni S/Sg Scott Arcilla, may hawak ng kaso, nagsagawa ng buy-bust operation ang mga tauhan ng Station Drug Enforcemen­t Unit (SDEU) sa pangunguna ni Cpt Deni Mari Pedrozo laban sa ginang sa bahay nito, dakong 1:50 ng madaling araw.

Magkasabwa­t umano ang mag-asawa sa paglalako ng droga sa poseur buyer sa nabanggit na lugar na sanhi ng kanilang agarang pagkakadak­ip.

Nasamsam sa mag-asawang Cruz ang walong selyadong pakete na naglalaman ng 34.2 gramo ngh shabu na nagkakahal­aga ng P232,560; P500 buy-bust money at isang grey coin purse.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.