Engineer, utas sa tandem; driver, nakaligtas

Balita - - News - Jun Fabon

Utas ang isang engineer habang pinalad na nasugatan lamang ang driver sa naganap na pananamban­g ng riding-in tandem sa Quezon City, iniulat kahapon.

Base sa ulat ni Quezon City Police District Director PBrig.Gen. Ronnie S. Montero, kinilala ang biktima na si Jose Roel Tieche, 55, Civil Engineer at Operation Manager ng Makati Developer Corp., No.111 ANA Bldg ., Road 20 Bgy. Bahay Toro, ng nasabing lungsod.

Si Tieche ay agad humandusay dahil sa tinamong mga tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Habang ang driver na si Robert Areno, 49 ng Taguig City ay pinalad na nasugatan lamang nang madaplisan ng bala.

Sa imbestigas­yon ng Criminal Investigat­ion and Detection Unit, bandang 7:30 ng umaga nang dikitan ng riding-in tandem sa may Road 20, ang sasakyan ng biktima habang papasok umano sa kanyang tanggapan at agad na pinaulanan ng bala ang harapang bahagi ng kotse na ikinasawi ng biktima at ikinasugat ng driver.

Makaraan ang pananamban­g ay mabilis tumakas ang riding-in tandem sa hindi malamang direksiyon.

Gayunpaman, naisugod pa ang dalawa sa Metro North Medical sa lunsod subalit idineklara­ng dead onarrival si Tietche.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.