Ex-vice mayor arestado sa entrapment

Balita - - News - Orly L. Barcala

Arestado ang dating vice mayor sa Valenzuela City, matapos ipakulong ng isang businesswo­man sa ikinasang entrapment operation sa lungsod na ito, Huwebes ng gabi.

Kinilala ni P/ Captain Albert Juanillo, chief ng Station Investigat­ion Detective Management Branch (SIDMB) ang naarestong suspek na si Evelyn “Jing” Hernandez, 55anyos, nakatira sa Consolacio­n Street, Barangay Malinta ng nabanggit na lungsod.

Si Hernandez ay naupong vice mayor ng Valenzuela City noong 1995.

Sa imbestigas­yon ni PCPL. Kenneth Pacheco ng Station

Investigat­ion Unit, nag-ugat ang pagkakadak­ip kay Hernandez, matapos magtungo sa opisina ni P/ Lt. Armando De Lima, head ng SIU , ang negosyante­ng si Emma Domasig Salas, 56, biyuda, nakatira sa Diamond Street, Sta. Lucia, Phase 5, Barangay Punturin, Valenzuela City.

Kwento ng biyuda kay Lt. De Lima, lagi daw kinukulit at tinatawaga­n ni Hernandez para maginvest sa Cashagutan People’s Health Club ng halagang P100,000.

Dahil minsan na daw siyang niloko ng suspek, inalam ni Salas kung nakarehist­ro sa Security of Exchange Commission (SEC) ang sinasabing health club at nalaman na hindi ito rehistrado kaya’t hindi maaaring mag-operate.

Doon na nagdesisyo­n si Salas na ipakulong si Hernandez, kaya humingi ito ng police assistance kay Captain Juanillo, upang isagawa ang entrapment operation.

Dakong alas 7:30 ng gabi, dala ni Salas ang P4,000 marked money, nakipagkit­a siya kay Hernandez sa isang fastfood sa General Luis Road, Barangay Paso De Blas, Valenzuela City. Matapos kunin ni Hernandez ang nakasobren­g pera ay dinampot siya ng mga pulis.

Isinalalim sa inquest proceeding si Hernandez sa kasong estafa.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.