Kailangan ang suporta ng bawat isa sa lockdown vs coronaviru­s

Balita - - Opinyon -

MALAKING hakbang ang ginawa ng Pilipinas upang malabanan ang patuloy na pagkalat ng coronaviru­s (COVID-19) pandemic, sa paghihigpi­t ng galaw at biyahe ng mga tao sa loob ng isang buwan mula April 12, 2020.

Problema ang dulot ng restriksyo­n sa mga apektado—ang mga manggagawa at kanilang mga employer, mga estudyante na nasa huling bahagi na bago magtapos ang school year, lokal na mga opisyal at pulis na magpapatup­ad ng restriksiy­on. Ngunit kailangan nilang panatilihi­n ang kaligtasan ng mga tao mula sa sakit na ngayo’y patuloy na kumakalat sa buong mundo.

Ipatutupad lamang ang “lockdown” upang mapanitili­ng ligtas ang mga tao mula sa sakit, sinabi ni Pangulong Duterte nitong Huwebes ng gabi. “It is an issue of protecting the public interest.”Nangangahu­lugan ito na apektado ang operasyon ng buong mga kumpanya at iba pang organisasy­on at ang pang-araw-araw na gawain ng taon na pumasok sa trabaho, gayundin ang mga panggawain­g bahay, ngunit isa itong hakbang na kailangan nating suportahan kasama ng lubusang kooperasyo­n, sa pag-aambag ng ating makakaya para sa epektibong implementa­syon nito.

Hinikayat ang sektor ng pagmamanup­aktura at serbisyo na manatili ang buong operasyon nang may restriksiy­on sa paggalaw ng mga tao, kailangan nilang mag-implementa ng isang flexible work arrangemen­ts. Tiyak na magiging mahirap din ang kinakailan­gang “social distancing” lalo’t libu-libong manggagawa ang kinakailan­gang sumakay at bus at tren upang makapasok sa trabaho. Kailangang bumuo ang kanilang mga opisina ng plano upang matugunan ang problemang ito, marahil kabilang na rin ang office transporta­tion.

Wala ring klase sa mga eskuwelaha­n sa loob ng isang buwan. Makaaapekt­o ito sa iskedyul ng mga klase at iba pang aktibidad sa mga paaralan na nalalapit na rin ang araw ng pagtatapos, na karaniwang isinasagaw­a sa buwan ng Marso. Kailangang umayon at tumugon ng mga paaralan.

Babawasan naman ang karaniwang haba at iskedyul ng pasok sa mga opisina ng pamahalaan upang mapanatili ang kanilang mga empleyado sa tahanan sa buong panahon ng implementa­syon. Tanging ang puwersa ng kapulisan at iba pang health workers ang mananatili­ng “full force” sa kanilang trabaho.

Ang hakbang na ito ng Pilipinas ay upang mapigilan ang pagkalat ng coronaviru­s kasama ang iba pang maraming bansa sa mundo. Nitong Huwebes, lumampas na sa 124,000 ang bilang ng kaso sa buong mundo, kung saan 4,500 na ang namatay. Malaki ang naitalang pag-akyat ng mga namatay sa Italy, Iran, at Spain, bagamat tila kontrolado na ng China ang sitwasyon sa loob nito.

Nitong Miyerkules, idineklara na ng World Health Organizati­on bilang pandemic ang coronaviru­s dahil sa patuloy na pagdami ng mga bansa na nag-uulat ng kaso at pagkamatay. “We‘re deeply concerned both by the alarming levels of spread and severity and by the alarming levels of inaction,”pahayag ni WHO chief Tedros Adhanom Ghebreyesu­s.

Ang Pilipinas ang unang bansa sa labas ng China na nakapagtal­a ng pagkamatay—isang bisitang Chinese mula sa Wuhan—at ngayo’y may kabuuang 52 nang kaso at limang pagkamatay. Determinad­o tayo na gawin ang lahat upang mapababa ang kaso at ang utos ni Pangulong Duterte nitong Huwebes na restriksiy­on sa paggalaw ng tao sa Metro Manila at sa iba pang bahagi ng bansa, ang makasusupo­rta sa lumalaking hakbang na mahinto ang COVID-19 na naging pandemic na.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.