Mga artista tuloy pa rin ang tapings kahit may community quarantine

Balita - - Showbiz Atbp. - Ni REGGEE BONOAN

TULUY-TULOY pa rin ang taping ng teleseryen­g Ang Sa Iyo ay Akin sa pangunguna nina Ms Maricel Soriano, Jodi

Sta. Maria, Sam Milby at Iza Calzado kahit na nagpahayag ng Community Quarantine si Presidente Rodrigo Duterte nitong Huwebes ng gabi. Pinag-iingat din ang buong production para sa Covid 19.

Mismong ang mga artista na ang nagseself quarantine sa sarili nila kapag may nararamdam­an silang hindi maganda sa katawan nila.

At para makaiwas na rin sa COVID-19 ay kinansela na rin lahat ng taga-production ang mediacon/presscon/blogcon para sa mga upcoming digital series, teleseryes at pelikula na ipalalabas na ngayong buwan.

Anyway, isa ang iWant original series na

The Tapes na mapapanood na simula sa Marso

18 (Miyerkoles) na pagbibidah­an nina Sam at

Yassi Pressman ang wala na ring mediacon. Gaganap sina Sam at Yassi bilang sina Sonnyboy at Alice, magka-partner na pulis sa isang tahimik na bayan. Mabubulabo­g ang mga buhay nila sa pagdating ng misteryoso­ng tapes na naglalaman ng nakakagimb­al na videos na may kinalaman sa kaso ni Judy, isang babaeng matagal nang nawawala sa kanilang lugar.

Para makahanap ng mga sagot, itatago ng dalawa ang mga tape mula sa mga awtoridad at lihim na iimbestiga­han ang bagong ebidensyan­g natanggap nila. Ngunit sa pagdami ng kanilang matutuklas­an dahil sa napapanood sa mga tape, mapapalapi­t din sila sa madidilim na sikretong pilit na itinatago sa kanilang bayan.

Ito ba ay gawa-gawa lang ng isipan o multo ng kanilang nakaraan?

Ano nga ba ang totoong nangyari kay Judy, at sino ang nasa likod ng mga tape?

Ang The Tapes ay idinirek ni Bradley Liew, Malaysianb­orn at Philippine-based director ng horror film na Motel

Acacia na kasalukuya­ng napapanood sa mga sinehan sa bansa at unang ipinalabas sa 32nd Tokyo Internatio­nal Film Festival. Noong 2016, ipinalabas ang una niyang pelikulang Singing in Graveyards sa Venice Internatio­nal Film Festival. Kasama rin sa The Tape sina Ricky Davao, Felix Rocco, Perry Dizon, Barbara Ruaro, at Brian Sy, kasama ang special participat­ion ni Cherie Gil.

Maricel, Jodi, Iza at Sam

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.