‘Jesus in the Eucharist Goes Out in Italy NCov19’

Balita - - Showbiz - Ni NORA V. CALDERON

WITH your permission, gusto naming i-share ang isang video na ipinadala sa amin na may title na Jesus in the Eucharist Goes Out in Italy During NCov19.

You cannot help but cry kung mapapanood ninyo ito, na naglalakad ang isang pari, may kasunod siyang may hawak na umbrella, sa streets ng Italy. Iyon ay para i-protect ang Holy Eucharist na hawak ng pari. Hindi sinabi kung saang street iyon, but probably mula sa Vatican, lumabas sila sa street at naglakad sila. Supposedly, ginagawa lamang ito kapag Holy Eucharist procession sa loob ng church, but this time, inilibot ito sa streets doon, na makikita mong ilan-ilan lamang ang mga tao sa kalye, yung mga Catholics, kung nakasakay sila sa car, bumababa at lumuluhod kapag dumaraan sa harapan nila ang Holy Eucharist, dahil iyon ang tamang pagbibigay-galang sa Kanya.

Caption ng nagpadala sa amin ng video: “We are experienci­ng another History in the Making. Every 100 years, there are plagues – In 1720 – bubonic plague, in 1820 – cholera outbreak, in 1920 – Spanish flu, and now, 2020 – COVID-19.

God be with us.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.