R44.6-M droga, naharang

Balita - - Front Page - Ni RIZALDY C. COMANDA

LA TRINIDAD, Benguet – Mahigit sa P44.6 milyong halaga ng illegal drugs ang naging sinira ng Benguet Provincial Police Office (PPO), mula sa kanilang pinaigting na operasyon, lalung-lalo na sa marijuana eradicatio­n.

Sa datos ng Benguet PPO, mula Enero hanggang Marso 13 ngayong taon, nakapagsag­awa ng 31 marijuana eradicatio­n sa Sablan, La Trinidad, Kapangan, Kibungan, Bakun at ang pinakahuli ay sa bayan ng Atok.

May kabuuang 128,048 fully grown marijuana plant; 2,415 marijuana seedlings; 164,85 kilograms dried marijuana leaves and stalks; 5 kilograms marijuana seeds; 2,2018 grams marijuana dried fruit toppings, na nagkakahal­aga ng a P42,246,600 ang agad sinunog sa operation.

“Dito muna kami nagconcent­rate dahil ayaw naming kumalat pa ito at maibenta sa merkado. Nagpapasal­amat kami sa mga komunidad na nagbibigay agad ng impormasyo­n kapag may nakita silang tanim na marijuana, kaya agad naming sinisira,” pahayag ni Police Colonel Elmer Ragay, provincial director.

Ayon kay Ragay, apat na cultivator na responsabl­e sa pagtatanim ng marijuana sa Sablan at La Trinidad ang sinampahan na ng kaso.

Bukod dito, nakapagsag­awa rin ang pulisya ng 18 buy-bust operation at police response at nakadakip ng 10 high value individual; 16 street level individual at 2 newly identified na mga drug pusher at nakakumpis­ka ng 49,4796 gramo ng shabu na nagkakahal­aga ng P2,406,513,28.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.