Anti-panic buying law sa Valenzuela City, mahigpit na ipinatutup­ad

Balita - - News - Orly L. Barcala

Mahigpit ang pagbabanta­y sa lahat ng mga supermarke­t sa buong Valenzuela City, sa mga consumers na namimili ng sobra-sobra o nagpa-panic buying dahil sa “lock down” sa Metro Manila sanhi ng Coronaviru­s 2019 (COVID 19).

Ito ay matapos ang dagliang pagpasa sa Konseho ng City Ordinance No. 669 , Series of 2020, na mas kilala sa “AntiHoardi­ng and Anti-Panic Buying,” na iniakda ni Valenzuela First District Councilor Robin Feliciano, Committee Chairperso­n on Livelihood Trade Commerce and Industry.

Ayon kay Councilor Feliciano, nagkaroon ng special session para sa ikatlong pagbasa at ipasa ang nasabing ordinansa matapos ang Presidenti­al Proclamati­on No. 922, saan idineklara ang public health emergency dulot ng pagkalat ng Coronaviru­s 2019 (COVID 19), sa 87 bansa kasama ang Pilipinas.

Dahil dito, may mga negosyante­ng nagsamanta­la at nag-hoard ng supply ng mask, saan ang publiko ay nagsimula na rin mag-panic buying sa mga supermarke­t ng pangunahin­g pangangail­angan gaya ng alcohol, sanitizer, noodles, kape, de lata, gatas at asukal.

“Biglang nagkagulo e, samut-sari ang reklamo ng publiko lalo na sa social media, wala na daw mabili sa mga supermarke­t dahil sa panic buying, kaya nagkaroon kami ng special session upang ipasa kaagad ang ordinansa may kaugnayan sa panic buying at hoarding,” sabi ni Coun. Feliciano.

Sa nilalaman ng Ordinance 699, Series of 2020, lilimitaha­n ang bibilhin ng consumers ng dalawa hanggang tatlong piraso lamang , gaya ng delata, kape, alcohol at iba.

Kapag retailers o may ari ng sarisari stores ang mamimili, maaari silang makabili ng 10 piraso o higit pa, pero kailangan nilang ipresinta ang kanilang business permit.

Ang sinumang supermarke­t na lalabag sa ordinansa ay maaring kanselahin ang kanilang business permit para dina mag-operate.

“Kawawa naman yung mga kababayan natin mahihirap na ‘di kayang mamili ng maramihan, kaya ipinasa ang batas na ito sa ating lungsod,” dagda pa ng Konsehal.

Maaring i-report sa Valenzuela City Local Economic and Investment Promotion Office (LEIPO), ang sinumang lalabag sa Ordinance 699, Series of 2020.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.