3 nasa drugs watchlist, nalambat

Balita - - News - Bella Gamotea

Isang babae at kasamang dalawang lalaki na pawang nasa drugs watchlist ang nadakip ng awtoridad sa isinagawan­g buy-bust operation sa Pasay City, kamakalawa ng gabi.

Kinilala ni Pasay City Police chief, Colonel Erickson Dilag ang mga naarestong suspek na sina Eric Salamat, alyas “Erica”, 38; Eric Beronia ,alyas “Eric”, 40, constructi­on worker; at Jasmine Evangelist­a, alyas “Yeye, 29, pawang No. 2429 M. Dela Cruz Street, Barangay 127 sa nasabing lungsod.

Sa ulat ni Cpl Jett Morillo, may hawak ng kaso, nagsagawa ng buy-bust operation ang mga operatiba ng Cpt Deni Mari Pedrozo, laban kay alyas Erica sa No. 2429 M. Dela Cruz St., Bgy. 127 Zone 13 sa Pasay City,na ikinaarest­o ng tatlong suspek, dakong 11:40 ng gabi.

Nakumpiska sa mga suspek ang limang pakete na naglalaman ng pinaniniwa­laang shabu na 17-gramo na tinatayang P115,600; isang itim na pouch wallet at P500 buy-bust operation.

Agad itinurn-over ng awtoridad ang mga narekober na ebidensiya sa SPD Crime Laboratory para sa chemical analysis.

Nakakulong ngayon ang mga suspek sa custodial facility ng SDEU at inihahanda na ang pagsasampa ng kasong Comprehens­ive Dangerous Drugs Act of 2002 laban dito.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.