Rider, patay; angkas kritikal sa hit-and-run

Balita - - News - Mary Ann Santiago

Patay ang isang motorcycle rider, habang kritikal ang kanyang angkas, nang ma-hit-and-run ng isang behikulo sa Cainta, Rizal kahapon ng madaling araw.

Kaagad na binawian ng buhay si Keen Adrian Mata, 27, taga-Antipolo City habang nasa kritikal naman umanong kondisyon ang angkas niyang si Patrick Bench Marco, na taga-Marikina City.

Nakatakas naman ang hindi nakikilala­ng driver ng hindi pa matukoy na behikulo matapos ang aksidente.

Sa ulat ng Cainta Municipal Police, ang insidente ay naganap sa East Bank

Road, Barangay San Andres, Cainta, dakong 2:30 ng hapon.

Nauna rito, magkaangka­s umano ang dalawa sa motorsiklo patungong Taytay sa naturang lalawigan at nang pagsapit sa naturang lugar ay bigla na lang silang mabangga at pumailalim sa kasunod na sasakyan.

Pinaghahan­ap pa ng mga awtoridad ang nasabing driver.

Kaagad namang rumesponde ang mga tauhan ng Rescue 131 at isinugod sa Cainta Municipal Hospital ang dalawa gayunman, binawian ng buhay si Mata.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.