3 ‘tulak’ dinakip ng Cagayan Valley cops

Balita - - News - Liezle Basa Iñigo

Tatlong umano’y tulak ng ipinagbaba­wal na gamot ang inaresto ng pulisya sa magkakahiw­alay na anti-illegal drugs operation sa Cagayan Valley Region, kamakailan.

Kinilala ni Provincial Police Office (PPO)-Region 2 director Gen. Angelito Casimiro, ang mga inaresto na sina Ariel Panganiban, 36, salesman ng Umaguing St., Purok 2, Bgy. La Torre South, Bayombong, Nueva Vizcaya; Ferdinand Bergonio, 34, taga-Phase 3, Bgy.

Sillawit, Cauayan City, Isabela, at Rodolfo Cuntapay, 27, taga-Centro 9, Bagumbayan, Tuguegarao City, Cagayan.

Nasamsam sa mga ito ang plastic sachet na naglalaman umano ng shabu.

Pansamanta­lang nakakulong ang mga ito at nahaharap sila sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 (Comprehens­ive Dangerous Drugs Act of 2002).

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.