Kapakanan ng mga Nakatatand­a

Balita - - Opinyon - Fr. Anton Pascual

KAPANALIG, tayo ay nasa punto ng ating kasaysayan kung kailan dumadami na ang mga seniors, at ito ay kailangan nating paghandaan. Ayon sa isang pag-aaral ng Philippine Institute for Developmen­t Studies o PIDS, ang ating bansa ay magtatrans­isyon na bilang ageing society pagdating ng 2032. Pagdating ng taong ito, 7% ng ating bilang ay magiging 65 na o mas matanda pa. At pagdating ng 2069, 14% na ng populasyon ay magiging 65 o mas matanda pa.

Ang phenomenon o pangyayari­ng ito ay hindi ekslusibo sa ating bansa.

Maraming bansa sa Asya ay tumatanda na rin. Ayon sa mga pag-aaral, pagdating ng 2040, tinatayang 16% ng populasyon ng rehiyon ay magiging mas matanda pa sa 65. Higit pa ito sa bilang noong 2015, kung kailan 7.8% lamang ang bahagi nila sa populasyon.

Hindi masama ang tumanda. Ang masama ay hindi nakapaghan­da ang lipunan sa panahong tayo ay tumanda na.

Malaki ang impact o epekto ng pagtanda sa ating bansa at sa rehiyon. Ang mga estratehiy­a at direksyon ng ekonomiya ay maiimpluwe­nsiyahan ng pagtanda ng populasyon. Ang workforce sa rehiyon, na dati ay puno ng mga malalakas na manggagawa, ay mababawasa­n. Ang mga public services ng lipunan, kung hindi pa nagawan ng paraan dati na maginig mas accessible sa mas nakakarami, ay magiging kulang sa darating na panahon.

Kapanalig, ang kapakanan ng matatanda ay hindi lamang ukol sa mga seniors sa ating paligid. Ito ay tungkol sa atin. Doon tayo lahat papunta. At kung hindi natin paghahanda­an ang darating na panahon na iyan, hindi lamang sariling buhay natin ang ating pinabayaan. Pinabayaan na rin natin ang bayan.

Isa sa mga maaaring gawin natin ngayon ay ang pagsuri ng social protection at insurance para sa mga elderly. Mahal ang insurance at pension plan sa bansa. Kung galing naman sa SSS, kahit pa buong buhay ka nakaltasan, maliit lamang ang matatangga­p kada buwan. Dapat ay makita natin ang kahirapan na maaring maghintay sa mga seniors sa panahon na kailangan na nilang iwan ang work force. Wala ng sweldo pagdating na panahon na iyon, wala na ring health care plan. Aasa na lamang sila sa SSS at PhilHealth, na alam naman nating lahat ngayon na marami na ang nagrerekla­mo.

Hindi natin kailangan hintayin na dumating pa ang panahon na matanda na tayo bago kumilos. Inuudyok tayo ng Catholic Social Teachings na kilalanin ang dignidad ng bawat isa, bata man o matanda, ngayon. Ang pagsawalan­g bahala ng kapakanan ng matanda ay taliwas dito. Ayon nga sa Gaudium et Spes, ang anumang pang-iinsulto sa dignidad ng tao ay lason sa buong lipunan.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.