Malian singer Traore, inaresto sa France

Balita - - Showbiz -

INARESTO ang Malian singer

Rokia Traore sa France kaugnay ng Belgian warrant para umano sa pagkidnap ng bata sa isang child custody dispute kasama ang kanyang expartner,ayon sa kanyang abugado.

Hinarang si Rokia sa

Paris’s Charles de Gaulle airport nitong

Martes mula sa Bamako at kasalukuya­ng nasa kustodiya na, base sa pagbabahag­i ni lawyer

Kenneth Feliho.

Ang naging pagdakip sa singer ay kaugnay ng European arrest warrant na inilabas ng Belgian authoritie­s para sa umano’y “kidnapping, sequestrat­ion and hostagetak­ing”, ayon kay Feliho. Inilabas ang warrant kasunod ng naging desisyon ng korte laban sa singer at sa guitarist noong nakaraang taon, na nag-uutos sa kanila na maibalik ang kanyang five-year-old daughter sa ama nito. Nakatakdan­g dinggin ang kaso nitong Miyerkules upang suriin ang request para sa kanyang extraditio­n sa Belgium.

Malayo sa musika, kilala si Rokia para sa kanyang pagtulong sa mga refugees at naging UN ambassador para sa refugees noong 2016.

Rokia

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.