ABL Games, kanselado rin ng COVID-19

Balita - - Sports - Marivic Awitan

PORMAL ng sinuspinde ng ASEAN Basketball League (ABL) ang kanilang mga laro sanhi ng patuloy na paglaganap ng novel coronaviru­s (COVID-19).

Ginawa nila ang anunsiyo noong Biyernes ng hapon.

“With the World Health Organizati­on declaring COVID19 as a global pandemic, the ABL, with the unanimous support of all its member teams, sees no other recourse but to halt competitio­ns in its ongoing tenth season,” pahayag ni league CEO Jericho Ilagan.

Mula noong Pebrero 23, nakaisang laro pa lamang ang nalaro sa ginaganap na regional league, kung saan nagwagi ang Alab Pilipinas, 99-79 kontra Saigon Heat sa larong idinaos sa Laguna.

Noong nakaraang Miyerkules, hiniling ng mga koponang Alab, Hong Kong, Macau, at Formosa sa pamunuan ng liga na suspindihi­n muna ang mga laro na gaya ng ginawa ng ibang mga liga para sa kaligtasan ng mga players, team officials at mga fans.

“This unpreceden­ted situation demanded due diligence from the ABL’s part to ensure that the voice of all stakeholde­rs will be heard and their needs met,” ayon pa kay Ilagan.

“All teams needed ample time to sort out their contracts as they also have commitment­s to advertiser­s, venues, and broadcast partners that had to be ironed out before we reached a unified decision.”

Ginawa rin ng liga na maremedyuh­an ang problema sa pamamasgut­an ng pagdaraos ng mga laro sa mga neutral venues.Ngunit hindi rin umubra na ipagpatulo­y dahil sa mga ginawang "travel restrictio­ns" ng ilang mga bansa.

“The ABL explored all options in an effort to continue to deliver top-quality basketball and entertainm­ent to our loyal fans. The league looked at booking neutral venues where multiple teams could play some of their postponed games,” paliwanag pa ni Ilagan.

“However, the travel restrictio­ns in the region, the quarantine requiremen­ts upon the teams’ return to their respective countries, and heeding the advice of multiple government institutio­ns have led to the decision to suspend our season.”

Ipagpapatu­loy na lamang nilang muli ang liga kung ligtas na at wala ng banta ng virus.

“We thank all the teams for their patience and their willingnes­s to exhaust all means to push through. The ABL will be closely monitoring the situation in the region as it plots a path to move forward.”

Kaugnay ng ginawang suspensiyo­n, nagdesisyo­n naman ang Alab na pauwiin muna ng US ang kanilang mga imports at Fil Am players kasunod ng paglalagay sa community quarantine ng buong Metro Manila sa loob ng isang buwan.

Minabuti nina team owner Charly Dy, head coach Jimmy Alapag ay assistant coach MC Abolucion na pauwiin muna sina Lawrence Domingo, Jason Brickman, Jordan Heading, Jeremiah Gray, Nick King, Justin Brownlee at John Fields.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.