PSL, sinuspinde na rin

Balita - - Sports -

SINUSPINDE na rin ang mga laro sa Philippine Superliga 2020 Grand Prix dahil sa pagtalima sa ‘social distancing’ ng pamahalaan hingil sa lumalalang Covid-19.

Bunsod ng ipinatutup­ad na ‘community quarantine’ sa buong Metro Manila sa loob ng 30 araw mula Marso 13 hanggang Abril 12, kaya hindi pa tiyak kung kailan ipagpapatu­loy ang mga laro ng PSL.

“All PSL matches scheduled from March 14, 2020, until April 12, 2020, are hereby suspended and postponed,” pahayag ng PSL management.

Dahil sa pagka-antala ng mga laro sa loob ng 30 araw, magkakaroo­n umano ng pagbabago sa match pairings at competitio­n format para matapos pa rin ang importlade­n confe¬rence sa Hunyo 23.

“Matches may resume 7-10 days after April 12, 2020. This is to give time to all the teams to regroup and prepare for their games. Considerin­g the technical impact of the 30-day period, match pairings and competitio­n format may be changed or modified to ensure that the Grand Prix Conference will be finished on or before June 23, 2020,” aniya.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.