4 pinosasan sa buy-bust

Balita - - News - Bella Gamotea

Hindi na inirespeto ng isang magasawa at dalawa pang kasama ng mga ito ang mosque at doon isinagawa ang paglalako umano ng ilegal na droga sa Taguig City, kamakalawa ng gabi.

Nakakulong na sa custodial facility ng Taguig City Police ang mga suspek na sina Mohammad Empi, 43 anyos, painter; Sittie Empi, 43; Tarhata Upam, 48, may asawa, at Dennis Aguila, 32, binata, constructi­on worker, at pawang residente sa Maguindana­o Street, Barangay New Lower, Bicutan sa nasabing lungsod.

Sa ulat ni S/M/S Salvador Bassig, may hawak ng kaso, nagkasa ng buybust operation ang mga elemento ng Station Drug Enforcemen­t Unit (SDEU) sa pangunguna ni Capt. Salvador Camacho Jr, sa koordinasy­on ng PDEA RO-NCR, Southern District Office, sa Blue Mosque sa Maguindana­o St., Bgy.

New Lower Bicutan sa Taguig City, dakong 11:30 ng gabi.

Nasabat sa apat na suspek ang anim na pakete na naglalaman ng hinihinala­ng shabu na 14 gramo at nagkakahal­aga ng P95,000;P500 buybust money; limang pirasong P100 bill; digital weighing scale; motorsiklo at cellphone.

Kaagad na inaresto nina Pat. Roberto Iguis, Pat. Mark Alvin Arceo at PCpl. Ma Arlene Seguerra ang apat na suspek at dinala sa tanggapan ng SDEU para sa kaukulang imbestigas­yon habang itinurn-over ang mga narekober na ebidensiya sa SPD Crime Laboratory para sa chemical analysis.

Inihahanda na ng awtoridad ang pagsasampa ng kasong Comprehens­ive Dangeorus Drugs Act of 2002 laban sa apat an drug suspect.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.