Restaurant ni Alden, sarado rin dahil sa COVID-19

Balita - - Showbiz - Ni NORA V. CALDERON

NAG-POST si Alden Richards sa Facebook account ng Concha’s Garden Cafe na one month muna nilang isasara ang lahat ng branches nila ng restaurant, sa Tagaytay, Silang in Cavite, sa Scout Madrinan, Quezon City at sa Tagaytay Highlands.

“To our valued customers: Your safety is our concern.

We are implementi­ng preventive measures to ensure that our story remains free from the COVID-19 virus. Your cooperatio­n will ensure it’s continuous success. Together we can.

See you soon! Nag-tweet din si Alden ng: “Be safe everyone, let us all pray for guidance and clarity of mind and for this chapter to be over soon. Please do follow necessary precaution­s, better safe than sorry. Ingat kayo. #Covid _19PH”

Pero ang kanyang McDonald’s Binan City in Laguna ay mananatili­ng bukas at in-assure ng McDonald’s PH President and CEO Kenneth Yang ang pagsunod nila sa mga alituntuni­n ng kalinisan ng chain of stores nila, mula sa kapaligira­n at sa mga kaligtasan ng kanilang mga empleyado at mga customers. Ang hindi lamang nila itutuloy ay ang kanilang McDonald’s Kiddie Crew Workshops na ginagawa nila taon-taon kapag summer vacation ng mga elementary pupils.

Alden

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.