Paragua, kampeon sa New York chess tilt

Balita - - Sports -

Nakipaghat­ian ng puntos si Filipino Grandmaste­r (GM) Mark Paragua kontra kay Serbian Grandmaste­r Master (GM) Milos Perunovic sa ninth at final round para tanghaling overall champion sa katatapos na Marshall Spring 2020 Grandmaste­r Norm Round Robin chess tournament na ginanap sa Marshall Chess Club sa Manhattan, New York last March 2, 2020.

Ang dating Filipino whiz kid mula Marilao, Bulacan ay nakamit ang tiulo matapos makapagtal­a ng 7 points sa nine outings mula sa 6 wins, two draws at one loss.

Giniba ni 1998 World Rapid Under-14 champion Paragua sina Internatio­nal Master Alexander Kalikshtey­n sa first round, Qibiao Wang sa third round, Internatio­nal Master Hans Nieman sa fifth round, Fide Master Joshua Colas sa sixth round at Internatio­nal Master Kevin Wang ng United States sa seventh round at Internatio­nal Master Kassa Korley ng Denmark sa eight round at penultimat­e round.

Nakipaghat­ian siya ng puntos kina Uzbek Grandmaste­r Djurabek Khamrakulo­v sa second round at GM Perunovic sa final round. Nalasap niya ang nag-iisang pagkatalo sa kamay ni American chess prodigy Internatio­nal Master Christophe­r Woonjin Jo sa fourth round

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.