TIYANAK

Balita - - Libangan - R.V. VILLANUEVA

Ika-70 labas

“TALAGANG mahusay tayong magtago ng lihim, biro mo, mahigit ng sampung taon ang nakalipas ng patayin natin ang magasawang Horacio at Karina, malaya pa tayo,” wika ni Roman.

“Bakit, anong gusto mo, makulong tayo?” Tanong ni Daniel

“Hindi,” sagot ni Roman. “Nasabi ko lang ‘yun dahil masayang-masaya ako at hindi pa tayo nahuhuli sa ginawa nating karumaldum­al at malagim na krimen sa mismong barangay natin.”

“Sabi ko naman sa iyong ganito ang mangyayari sa pagpatay natin kina Horacio at Karina na pumatay sa mga magulang natin. At sa tutuo lang sa panahon ngayon, ayaw kong makulong kahit sa imahinasyo­n,” paliwanag ni Jaime.

“Bakit?” Tanong ni Daniel. “Maraming namamatay sa kulungan sa sobrang init dahil sa santambak na nahuling adik at nagbebenta ng droga,” sagot ni Jaime.

“Tama ka,” sagot ni Roman. “At hindi lang nangyayari ang ganyansa mga kulungan sa Metro Manila kung hindi pati sa ating bayan.”

“Kahit sa ating bayan?” Tanong uli ni Daniel.

“Oo,” sagot ni Roman. “Nakita ko ang kalagayan ng mga detenido sa municipal jail ng dalawin ko ang pamangkin ni misis na nahuli sa buy-bust.”

Matapos magsalita si Roman, dinampot niya ang long neck na botena naglalaman ng alak na barikolkol, alak sa kanilang probinsyan­g gawa sa katas ng halamang sasa at nagtagay sa basong maliit. Sa hangaring malaman ng dalawang kainom na uminom na siya at hindi maulit dahil minsan, nalilimuta­n ng mga kainom, ipinakita ni Roman ang basong may lamang likidong nakakalasi­ng kina Daniel at Jaime. Matapos matiyak na nakita ng dalawang kainuman ang basong may lamang alak, tinungga niya ito, nilagok at ipinasa ang baso at bote ng alak kay Daniel. Agad ding nagtagay ng alak na barikolkol si Daniel at tulad ni Roman, ipinakita sa dalawang kainom, higit kay Jaime na susunod sa kaniyang uminom. Tulad ni Roman, matapos inumin ang tagay sa baso, ipinasa ni Daniel ang baso kay Jaime para siya naman ang uminom ng alak na paboritong inumin sa barangay nila sa simula’t simula ng panahon. Matapos uminom ng alak, namulutan sila Roman, Daniel at Jaime para magkaroon ng laman ang tiyan ng kokontra sa epekto ng alak.

“May bago na palang midwife sa health center ng barangay natin,” wika ni Jaime na tinutukoy si Allea.

“Nababalita­n ko nga,” sagot ni Daniel. “At tutuo rin ang kumakalat na balitang maganda at seksi ang bagong midwife sa ating barangay.”

“At tuwang-tuwa raw angmarami nating kabarangay dahilkatul­ad siya no’ngmidwife na nakatalaga sa health center na nag-abroad,mabait at masipag,” wika ni Roman.

“’Yan ang magandang balita sa barangay natin midwife na ‘yun,” sagot ni Jaime. “Ngunit sa atin, may masamang balitang hatid ang midwife na ‘yun!”

“Anong masamang balita?” Tanong ni Roman na nagkaroon ng malaking interes sa sinabi ng kainom.

“Intriga ba ‘yan o tsismis?” Tanong ni Daniel na nagkaroon din ng malaking interes sa sinabi ng kainom.

Lingid sa kaalaman nila Roman, Daniel at Jaime na madalas ginagawa ang inuman sa kamalig na nasa gitna ng bukid na pag-aari ng pamilya ng una, may nakikinig sa kanilang pag-uusap. Ito ang tiyanak na si Tanding na dumating sa lumang-lumang bahay ng pamilya ni Tandang Mundong ng gawin nila ni Allea ang itim na ritwal ng tawagin ang mga nilikha mula sa daigdig ng kababalagh­an. Ang sampung tiyanak na pinamumunu­an ni Gonding na nilikha ng dalawa mula sa bangkay ng sanggol na itinapon sa basurahan sa iba’t-ibang sulok ng Metro Manila. Dahil hinihintay na ang inumang

gagawin ng tatlo sa kamalig na nasa gitna ng bukid, narinig ng tiyanak ang pag-uusap ng tatlo mula sa simula. Nagdiwang ang tiyanak na si Tanding dahil natupad na ang pangako niya kina Tandang Mundong at Allea na tutulong para makilala ang mga salarin sa karumal-dumal at malagim na krimeng naganap sa mga magulang ng dalagang itinuring niyang panginoon tulad ng mga tiyanak na pinamumunu­an ni Gonding.

Itutuloy...

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.