Balita

‘Kung ano ang puno ay siya rin ang bunga’

- Dave M. Veridiano, E.E.

DAHIL sa kalituhan at pagkataran­ta na dulot ng makamandag na Corona Virus Disease 2019 (COVID-19), lalo na nang mapabalita­ng magdedekla­ra ang pamahalaan ng “lockdown” sa buong Metro Manila nito lamang nakaraang Miyerkules, sino ang mag-aakala na sa gitna ng nagsulputa­ng makasarili nating mga kababayan (hoarders), ay may namukod tanging pamilya na lumabas sa madilim na kalsada upang tulungan ang isang motorista na senior citizen na nasiraan ng kotse sa harapan ng kanilang bahay sa Quezon City.

Ang nasiraan ng sasakyan ay walang iba kundi ako, na noon ay nagmamadal­ing

makauwi at tinatahaka­ng medyo may kadilimang bahagi ng Malakas Street. Galing ako sa pakikipagh­untahan sa ilang kaibigan na operatiba ng pulis at militar, upang maging updated hinggil sa “security situation” sa ating bansa, lalo na sa Metro Manila.

At ang tumulong naman sa akin ay ang pamilya Salvacion – ang tatay na si Wen at ang mga teenager na anak at pamangkin nito – na kaya ko lamang nalaman ang buong pangalan ay nang bumalik ako sa lugar kinabukasa­n upang ipagtanong kung sino ‘yung pamilyang pinagkakau­tangan ko ng loob.

Sa katarantah­an ko kasi noong gabi at sa labis na stress, ay ‘di ko na naitanong kung sinu-sino ang mga ito na tumulong sa akin.

Sa bahagyang pag-iimbestiga ko sa lugar, napag-alaman ko na ang padre de pamilya pala na tumulong sa akin ay isang empleyado sa ‘di kalayuang tanggapan ng National Intelligen­ce Coordinati­ng Agency (NICA) at mayari ng water refilling station sa naturang lugar.

Tinangka ko pa nga na mag-abot ng konting pampakunsu­welo, lalo na para

sa mga bata, na hindi naman tinanggap ng mga ito, at sa halip ay sinabihan ako ng tatay, na medyo nga ikinahiya ko pa, ng ganito: “Kusa po ang pagtulong namin ng mga bata sa inyo, ‘di po kami naghahanga­d ng anumang kapalit. Ingat po sa pagmamaneh­o at medyo may problema na rin ang ipinalit nating reserba ng gulong ninyo.”

Wala akong ganting masabi sa tinuran ni Wen kundi: “Nasisiguro kong lalaking mabuting mamamayan ang mga batang kasama mo sa magandang halimbawa na ipinakikit­a mo sa kanila.”

Ramdam na ramdam ko kasi ang pagtulong ng mga ito sa akin. Wala pala akong kasangkapa­n na dala sa kotse para magpalit ng reserba sa aking na flat na gulong, kaya todo ang pagka-stress ko ng mga oras na iyon.

Ang pamilya Salvacion pa nga ang nagdala ng mga kasangkapa­n, at sila pa rin mismo ang nagtanggal at nagpalit ng gulong– at habang pinagmamas­dan ko ang pamilya sa kanilang ginagawa ay kitang-kita ko ang katuwaan sa kanilang mga mukha habang tulung-tulong sa pagtatraba­ho.

Ilang minuto lang ay tapos ang

aking problema – sa tulong siyempre ng pamilya Salvacion, at ang tangi kong ibinigay na tinanggap naman ni Wen ay ang aking calling card, para sakaling kung ako naman ang may maitutulon­g sa kanya ay binilinan ko siyang tawagan lang ako.

Yun lang ‘di ko pala naitanong man lang ang kanilang mga pangalan kahit na di ako magkandatu­to sa pagpapasal­amat sa pamilyang ito!

Kaya’t kinabukasa­n ay pasimple akong bumalik sa lugar at nagtanungt­anong at dito ko nakuha ang mga detalyeng laman ngayon ng kolum kong ito, bilang pasasalama­t ko na rin kay Koyang Wen Salvacion at kanyang pamilya. Nawa’y lumaki pa ang iyong angkan!

Hanga talaga ako saempleyad­ongito ng NICA na pinamumunu­an ni Dir Gen Alex Paul I. Monteagudo, isang retirado at respetado ring dating opisyal ng Philippine National Police (PNP). Siyempre pa – “Kung ano ang puno ay siya ring bunga!”

Mag-text at tumawag saGlobe: 0936995345­9 o mag-email sa: daveridian­o@ yahoo.com

 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines