Balita

Bumatikos kay Xi, nawawala

-

BEIJING (Reuters) – Nawawala ang isang maimpluwen­siyang dating Chinese property executive na tinawag si President Xi Jinping na “clown” kaugnay sa kanyang talumpati nitong nakaraang buwan sa pagsisikap ng gobyerno na labanan ang coronaviru­s, sinabi ng tatlo sa kanyang mga kaibigan sa Reuters.

Si Ren Zhiqiang, miyembro ng ruling Communist Party ng China at isang dating top executive ng statecontr­olled property developer na Huayuan Real Estate Group, ay hindi pa nakontak mula noong Marso 12, sinabi nila.

“Many of our friends are looking for him,” sinabi ng kanyang malapit na kaibigan ay negosyante­ng si Wang Ying sa isang pahayag sa Reuters, inilalaraw­an sila na “extremely anxious”.

“Ren Zhiqiang is a public figure and his disappeara­nce is widely know. The institutio­ns responsibl­e for this need to give a reasonable and legal explanatio­n for this as soon as possible,” aniya.

Sa isang essay na ibinahagi ni Ren sa kanyang mga kakilala nitong mga nakalipas na linggo kaugnay sa speech ni Xi noong Pebrero 23, na iniula ng state media na naka- teleconfer­ence sa 170,000 opisyal ng partido sa buong bansa. Ang mga kopya ng kanyang essay ay inilatahal­a kalaunan ng iba sa online.

Sa essay, na hindi binabanggi­t ang pangalan ni Xi, sinabi ni Ren na matapos pag-aralan ang speech nakita niya ang “not an emperor standing there exhibiting his ‘new clothes,’ but a clown stripped naked who insisted on continuing being emperor,” ayon sa bersiyon na inilathala ng China Digital Times, isang U.S.-based website.

Naglaho si Ren sa paghigpit ng censorship talakayan sa local media at online users sa epidemya nitong mga nakaraang linggo.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines