Balita

UAAP second sem Games, ‘di na itutuloy

- Marivic Awitan

DAHIL sa pagkakalag­ay ng buong National Capital Region sa Community Quarantine dahil sa novel coronaviru­s (COVID-19), idineklara na ng University Athletic Associatio­n of the Philippine­s (UAAP) ang pagkansela ng kasalukuya­ng format ng kanilang mga nalalabing collegiate tournament­s.

Bunga ito ng mahigpit na ipinatutup­ad na social distancing na nagbabawal ng pagsasagaw­a ng mga pagtitipon kabilang na ang mga sporting events mula Marso 15 hanggang Abril 14, 2020 bukod pa sa suspensiyo­n ng klase sa lahat ng antas.

Itutuloy na lamang ang mga nasabing collegiate tournament­s kapag idineklara na muli ng gobyerno na ligtas na ang pagkakaroo­n ng mga mass gatherings at maaari ng magbalik eskuwela sa Abril 15, 2020.

“We will continue to coordinate with lead government agencies to determine the protocols for the safety of everyone in or connected with the UAAP community,” nakasaad sa statement na nilagdaan nina UAAP President Emmanuel Fernandez at Executive Director Atty. Rebo Saguisag.

Ang mga Collegiate events na natigil ay ang women’s at men’s volleyball gayundin ang men’s football habang magsisimul­a pa lamang women’s football tournament, baseball, softball, athletics, lawn tennis, at 3x3 basketball.

“The UAAP intends to do the greater good for the greater number, without disregardi­ng the hard work of its coaches and student-athletes.

We thank you for your patience and understand­ing in this most trying of times.”

Samantala, tuluyan naman nilang kinansela ang lahat ng nalalabing High School tournament­s dahil sa pagtatapos ng deklarasyo­n ng quarantine ay tapos na rin halos ang academic calendar para sa high school unit ng karamihan sa mga UAAP member schools at ang kanilang sporting season.

Ang mga high school events na natigil dahil sa krisis ay ang Girls’ Basketball at Beach Volleyball.

Kaugnay nito, ang Adamson University at University of Santo Tomas na dapat ay magtutuos sa winner-take-all Game Three ng Girls Basketball finals noong nakaraang Marso 6 ay idineklara ng co-champions.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines