Tennis session, kanselado rin

Balita - - Sports -

CALIFORNIA (AP) – Kinansela ang BNP Paribas Open tennis tournament, nakatakda sanang magbukas ngayong weekdays, matapos makumpirma na may kaso ng coronaviru­s sa kalapit na Coachella Valley.

Nitong Linggo, idineklara ng

Riverside County Public Health Department ang ‘public health emergency’ sa kabuuan ng lungsod may 110 miles east sa Los Angeles, kabilang ang Indian Wells kung saan nakatakda sanang ganapin ang ATP at WTA tours simula sa Miyerkoles.

“There is too great a risk, at this time, to the public health of the Riverside County area in holding a large gathering of this size,” pahayag ni Dr. David Agus, professor of medicine and biomedical engineerin­g at the University of Southern California. “It is not in the public interest of fans, players and neighborin­g areas for this tournament to proceed. We all have to join together to protect the community from the coronaviru­s outbreak.”

Taon-taon, dinadagsa ngmay 450,000 tennis fans ang torne na tinatampuk­an ng mga pinakasika­t na players sa tennis tulad nina Rafael Nadal, Novak Djokovic, Serena Williams, Naomi Osaka at Coco Gauff.

Sinabi ni tournament director Tommy Haas na handa ang organizers na isagawa ang torneo sa ibang petsa at sinabing ang desisyon ay batay sa ‘guidance of medical profession­als’.

Inaasahang magbibigay ng refund ang organizers.

NAGLALAKAD pabalik sa locker room si World No.1 Novak Djokovic ng Serbia matapos ang ensayo para sa BNP Paribas Open tennis tournament sa Indian Wells, Calif. Kinansela ng organizers ang torneo bunsod ng lumalalang COVID19 virus. AP

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.