Heart, sumagot sa kumuwestiy­on sa kanyang pagtulong

Balita - - Showbiz atbp -

SINAGOT ni Heart Evangelist­a ang comment ng isang netizen sa kanyang Instagram (IG) na “When you ask the community to buy the products you endorsed, watch and support your shows they never hesitate. Now, the community needs you as you have the resources (because of the community)- I hope you’re giving back.”

Sagot ni Heart: “That my dear is between God and I. My “likes” in heaven is more Important than my likes on social media.”

Marami ang nag-agree kay Heart, hindi na raw kailangang i-post pa ang lahat ng ginagawa mo sa socmed. Pinayuhan si Heart na ‘wag nang sumagot at sinabihan ang netizen na ‘wag maging rude.

Ipinaalala rin ng supporters ni Heart sa nagtanong that Heart has been doing charity works. Sana rin daw, maisip nang nagtanong na hindi dapat tinatanong ang sinuman kung anong mga charity work ang kanyang ginagawa.

Kaya natanong si Heart ng kanyang charity works dahil sa post na nagpaalala sa mga Pinoy to stay calm, composed at mag-iingat. Nagpaalala rin si Heart na iwasan ang mag-hoard at isipin ang mga taong walang sapat na pera para mag-hoard.

Nitz Miralles

Heart

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.